Chapter 9: WILD AND WILD

190 4 3
                                    

"Goodmorning my princess." sabi sakin ng isang makisig at gwapong nilalang.

"Goodmorning" sagot ko sakanya at tumingkayad para mahalikan sya sa gilid ng kanyang labi. Pinalupot nya ang kanyang braso sa bewang ko at pinaglapit ang mukha naming dalawa.

"Sa gilid lang?" pagrereklamo nya with his popular husky voice.

"Luhan! Tantanan moko ah?" sabi ko at inalis ang pagkakayakap nya sakin.

I was about to turn and walk away when he grabbed my fist and faced me to him and gave me a deep and sweet kiss. I closed my eyes and feel the love that's circling around my system.

"Goodmorning my princess." sabi nya ulit. I opened my eyes and saw him looking at me intently with his gazing stare.

"LUHAN!?" napabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Luhan.

Ugh! It was just a dream, damn it! -___-

"Mukhang ang ganda ng panaginip ng girlfriend ko ah? May pangiti-ngiti pa." sabi nya habang tinataas-baba ang dalawa nyang kilay. "Am I in your dreams?" dagdag nya pa.

Sinapok ko nga. "Wag makapal. Bat ka ba nandito?!" bulyaw ko sakanya.

"Aray, babe ah? Kanina pa ko sa sala nyo! Hinihintay kita! Napaka-tagal mong bumaba kaya umakyat na ako." sabi nya habang hinihimas ang batok nya. May spare key kasi sya kaya nakakapasok sya dito sa bahay namin.

Wala padin sila Mama. Ayun, nag-enjoy sa Vacation nila. Sus. Bahala sila dun.

It's been 6 days simula nung naging kami ni Luhan. Natawa pa ako sa naging reaksyon nya. Hindi nya alam kung tatalon, ta-tumbling, gugulong o kekendeng sya sa saya. Pulang-pula sya nung araw na yon. Agad nya pang binalita sa buong Exo, kay Irish at pati na din kay Ara nung nakabalik kami kung saan kami nagpahinga. Binati kami ng mga kasama namin lalo na si Irish. Tuwang-tuwa sya para samin ni Luhan. Si Ara naman, nabigla pa. Biglang bumalik yung napagusapan namin nung pinrangka nya ako tungkol kay Luhan na mahal nya pa at ginawa akong panakip-butas. Yung itsura nya pa nun, parang pinaghalong asar at inggit. Kunwari masaya sya para samin pero makikita mo sa mga mata nya ang galit at inis.

"Hey, babe! Nakikinig ka ba? Tsk. Naman oh?!" asar na sabi ni Luhan at nagkamot pa ng batok. Tumayo sya sa gilid ng kama ko at lumabas na. Napangiti naman ako dahil nag-effort pa talaga syang pumunta dito ng ganito kaaga. 8am palang. At ang alam ko, ganitong oras eh natutulog pa sya. Sobrang himbing.

"Ano?! Wala ka pang balak bumangon dyan?" napa-singhap ako nang bigla syang bumalik sa kwarto ko. Pero ulo lang nya ang nakalitaw at ang katawan nya ay nasa labas ng kwarto. Nakadungaw lang sya at nakakunot ang noo.

Ngumiti ako sakanya at tumango. Nag-snob lang sya at lumabas na ulit ng kwarto. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko kahit nagagalit.

Oo, boyfriend ko. ♥

------

"Eh? Nagpakahirap akong pumunta dito ng 5:30am para lang lutuin to, tapos ayaw mo?" napaupo sya sa upuan sa kusina habang sapo nya ang kanyang ulo.

Eh pano ba naman nagluto ng Pancake tapos sunog pa. Ang tigas tigas pa! Kapag hinagis mo nga ata to, mawawasak e. Aish! Dapat hindi na sya nagpagod, hindi ko naman kakainin.

"Eh bakit kasi sunog eh? Inihaw mo ba to?" sarcastic kong tanong sakanya. Nasabunot nya pa ang buhok nya sa sobrang frustration.

"Babe .. Hash! Okay, papa-order nalang ako ng breakfast mo." sabi nya tsaka tumayo na at dumiretso sa sala kung nasaan ang bag nya para tawagan ang magde-deliver.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon