Chapter 26: Her Real Agenda [Part-1]

99 5 1
                                    

"Okay ka lang talaga Laleng?"

nabalik ako sa pagmumuni-muni nang biglang magsalita si Irish sa gilid ko.

Kasalukuyan kaming nasa canteen at tila wala akong ganang kumain nang dahil sa pag-aaway namin kagabi ni Luhan, Hanggang ngayon, hindi padin natatanggap ng utak ko lahat ng binitawan nyang salita.

Tumango lang ako sakanya at binigyan sya ng weak smile.

Kanina pagkapasok ko, naabutan ko si Luhan na nakayuko sa lamesa nya. Hindi man nga ata nya na napansin na dumating ako eh. Kahit nagka-klase na, natutulog padin sya, Para ngang puyat na puyta sya dahil kahit inalog alog na sya ng buong Exo, puro ungol lang ang sinasagot nya at babalik sa pagkakayuko.

"Eh kung magusap kaya kayo Lals? Walang mangyayari kung pareho kayong magiiwasan." makahulugang sambit ni Irish. Huminga ako ng malalim nang maalala ko ang mga sinabi nila saakin kahapon.

"Yah Noona, hindi mo ba napansin na parang kinukuha ni Andrea noona ang atensyon ni Luhan hyung?"

"Ah oo nga. Naalala nyo nung nakaraan? Napansin namin na parang trying hard si Andrea noona na makuha ang atensyon ni Luhan hyung."

"Alam mo Laleng, may point sila eh. Tignan mo ah? Parang inilalayo nya sayo si Luhan. Parang gumagawa sya ng dahilan para magkalabuan kayo. At! At! At! Bakit naman sya didikit na parang linta kay Luhan gayong alam naman nya na may girlfriend na si Luhan. Diba?"

I shook my head para burahin ang nasa isip ko.

Sana nagkakamali langa ako sa mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Isipin ko palang, hindi ko na kakayanin. Masakit. At yun ang bagay na kintatakutan kong mangyari.

"Uy laleng, kinakabahan na ako sayo. Hindi ko mahulaan kung ano ba yang tumatakbo sa pagiisip mo." nakakunot noong sambit ni Irish at saka kinagat ang dulo ng hintuturo nya.

"Gaga, naiisip ko lang yung mga nasabi nyo kahapon. What if, totoo nga yun?" malungkot na sabi ko sakanya.

"Yung alin? Yung mga kahibangang sinabi namin kahapon ng Exo? Sus, nasabi lang namin yu---"

"No, malay nyo nga yun talaga ang agenda ni Andrea kung bakit para inaangkin nya ang atensyon ni Luhan." pagputol ko sa sasabihin nya.

Napakamot sya sa batok nya at saka dumiretsong tumingin sakin.

'Sorry Laleng ah? Opinyon lang namin yun. At base yun sa nakikita at nao-obserbahan namin, hindi ko naman sinasabing maniwala ka samin. Nasayo padin yun kung maniniwala ka or hindi." mahabang litanya nya.

"HAHAHAHAHA! Wow Lals, ikaw ba yan? Di ako sanay na seryoso ka." natatawang sabi ko sakanya kaya agad naman nya akong binatukan,

"Lintik ka, akala ko pa naman seryosong usapan na. Tss. Dyan ka na nga, magpapaturo muna ako kay Sehun mag-gitara." sabi nya at tumayo.

Wow? Magkasundo na sila? Bravo!

Napailing nalang ako at bumalik sa pagkabalisa. *sigh*

Eh kung totoo nga lahat ng sinabi nila? Pano kung gustong ilayo ni Andrea si Luhan sakin? -___- Shit, napa-paranoid nako.

Minabuti ko ng umalis sa canteen at napagpasyahan kong babalik nalang ako sa classroom. May ilan pa akong nabunggo dahil nakayuko akong maglakad.

Pagdaan ko sa garden, nasaksihan ko ang isang senaryo na naging dahilan para lalong uminit ang ulo ko. Gusto ko silang sugurin pero hindi ko magawa dahil sa mga salitang narinig kong pinaguusapan nila dalawa.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon