Chapter 5: Welcome EXO!! 2

201 7 1
                                    

[Chanyeol]

Hi, Readers! Na-miss nyo ba POV ng poging si Chanyeol? Hahahaha. :) Si Author kasi e. Ayaw akong singitan ng slot para sa mga POV's. Buti naman ngayon, napansin nya ulit ako. :D

Ilang weeks na ang lumipas simula nung nag-confessed si Lulu kay Patricia. Nabigla kaming lahat. Syempre, hindi naman kasi ganun si Luhan e. Mahiyain yan kapag sa mga paglapit-lapit sa mga babaeng natitipuhan nya.

but seriously, kinaiinggitan ko sya nung nagconfess sya. Parang nakaramdam ako ng kirot.

Ewan ko, ang weird nga e. Kasi nung umamin si Luhan kay Patricia, parang nakaramdam ako ng—err. Selos? Psh. I dunno. Siguro dahil crush ko si Patricia? Geez. Nakakabakla naman! -___-

Shhhh! Secret lang muna natin to ah? Ang magsabi sakanya, hahalikan ko! :D Seryoso ako! Kaya wag nyo sasabihin ah? Ang hindi magsabi sakanya, papakasalan ko sige. :p

Nung mga araw na ramdam kong unti unti ng nagiging komportable si Patricia kay Luhan, pinilit ko nalang muna na dumistansya.

Kaibigan ko si Luhan. Kaibigan ko din si Patricia. Ayoko naman na maging awkward kaming tatlo.

Minsan nga, nakikita ko pa yung mga efforts ni Luhan para kay Patricia eh. Todong todo! Minsan kahit absent si Luhan, pumupunta padin sya sa school para lang ihatid pauwi si Patricia.

Naramdaman ko nalang na gusto ko pala si Patricia simula nung naka-close ko silang dalawa ni Irish. Napaka-kalog nya pala talaga. Ang ganda nya lalo na kapag tumawa. Halos wala na syang mata dahil nawawala iyon kapag sobra syang tumatawa.

Parang lahat ata ng gawin nya, nagagandahan ako. Yung wacky pictures nya sa phone ni Irish, nung naglagay sya ng chocolate sa ipin nya, nung ginaya nya yung porma ni Betty, nung nabilaukan sya dahil sa jokes ni Irish nung kumakain kami sa canteen, nung tumawa sya at biglang umubo. Kumulog pa nga nun eh. May ubo kasi sya nun. Nung tawa sya ng tawa tapos bigla syang sinipon. XD Nung tumatakbo sya tapos bigla syang nadulas. Nung marumi at makalat nyang pagkain ng chocolate at yung kadiri nyang pagtanggal ng tinga.

Para sakin maganda padin sya. She's beautiful in every way.

"Pare, alam mo na ba?" sabi sakin ni Luhan. Andito sya ngayon sa Condo ko. Ewan ko kung ano bang nakain neto at biglang napadpad nalang sa unit ko. -__-

"Ang alin?" bored na sagot ko.

"Pupunta ata sila dito." masaya nyang sabi.  Tsh. Ang chappy talaga magkwento neto e.

"Sino?!" kunot noo kong tanong sakanya.

"Exo, pare." pagkasabi nya nun, naiba ang pagkairita ko at parang bigla akong nakaramdam ng saya at excitement.

"Kelan?" tanong ko sakanya na hindi pinapahalatang excited ako.

"Bukas. Andyan na ata sila sa Heaven Tower Condo ngayon eh. Bukas pa sila makikipagkita." masaya nyang pagpapaliwanag.

Naeexcite talaga ako ba makita sila. Aba! Namiss ko sila no! -__- Sa loob ng tatlong taon na pagstay namin dito eh, hindi pa lumagpas sa singkwenta ang naging pagsasama namin. Mga siguro 40-49 times palang kaming nagkakasama. Busy kasi sila eh.

Pansamantala lang muna kaming nagpahinga sa grupo namin para maipagpatuloy ang pag-aaral namin nito nI Luhan. Gusto kasi namin na makatapos eh. :')

Lihim akong napangiti sa sobrang excitement. Makikita ko na ulit silaaaa.  :')))

"Oh pano, pare. Uwi na ako. Basta bukas, get ready. Magkikita-kita nanaman ang EXO. It'll gonna be a Big Bang!" sabi nya. Binatukan ko nga. "Aray! Gagu ka. Bakit moko binatukan?" tanong nya at saka kinamot ang ulo nya.

She's into Him [EXO Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon