-Chapter 2-
[Chanyeol]
Naglalakad lang kami papuntang Timezone nila Luhan at Patricia. Busy'ng busy sila kakatingin sa mga manikin na nakadisplay sa loob ng mga boutique.
Bigla nalang akong napatigil sa paglalakad nang may nakita akong isang babae. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko. Ang babaeng Mahal ko.
"Hey, why did you stop?" sabi ni Luhan na binalikan pako at tinapik sa balikat.
Tinignan din ni Luhan ang direksyong tinitignan ko. Biglang dumulas ang kamay nya sa balikat ko nung nakita nya kung sino ang tinititigan ko.
"A-ara." biglang nasabi ni Luhan ang pangalan nya.
Ngumiti samin si Ara. Wala padin syang pinagbago. Napakaganda padin nya. Ganun na ganun padin ang pakiramdam ko pag ngimingiti sya sakin. Kayang kaya nyang patigilin ang pagikot ng mundo ko sa isang ngiti nya lang. Wala paring kupas ang ganda. Sya parin ang Ara na nakilala ko noon. Ang Ara na mahal na mahal ko.
Lumapit samin si Ara at nakipag-beso beso. Ramdam ko padin ang lambot at kinis ng pisngi nya na dumampi sa pisngi ko. I'm mesmerized in a moment.
"Owh, this is Patricia. Patricia, this is Ara." sabi ni Luhan at pinakilala nya sa isa't isa ang dalawang babae.
Nakita ko namang inabot ni Ara ang kamay ni Patricia na nakalahad para makipagkamay sakanya. Buti pa itong si Patricia, nahawakan nya. -___-
"N-nice to meet you." nauutal na sambit ni Patricia.
Ara is my Ex. Oo, mahal na mahal ko sya. Hanggang ngayon. Nakipaghiwalay sya sakin 2months after ng anniversary namin. Ang huli nya pang sinabi noon, nagising nalang daw sya isang araw na wala ng nararamdaman pa para sakin. Then, 4months after ng breakup namin, nalaman ko nalang na sila na ni Luhan. I was upset that time. I felt I was cheated. Nakipag-break si Ara sakin nang dahil kay Luhan? Kaya ganun nalang ang galit ko sakanya dati. Pero, dalawang buwan lang ang tinagal ng relasyon nila. Mas matagal padin kami. 2 years and 3months. 4th year pa nung sinagot ako ni Ara. I was the happiest man in the world nung sinagot nya ako.
Sa soccer field naging kami, at sa soccer field din nya ako hiniwalayan. Saklap nun. Hindi ko kinibo si Luhan nung nalaman kong sila ni Ara. Wala na akong karapatan. Hindi na kami. Pero, puta naman. Kaibigan ko sya! Ibig sabihin ba nun, habang kami pa ni Ara, may lihim na pagtingin na sya sakanya? The fuck.
"A-are you okay?" nabalik ako sa katinuan nang may magsalita sa gilid ko. Si Patricia.
Tumango ako sakanya. Ngumiti sya atsaka may tinuro sa bandang kaliwa.
"Ice cream?"
-----
"Ano ba?" inis na sabi ko dito sa kasama ko. Si Patricia.
"Gusto ko pa ng Ice cream." sabi nya habang hinihila pa ang laylayan ng damit ko.
"Ano ka ba? Naka-tatlo ka na ah?" naiiritang sabi ko. "Tsaka yung damit ko, wag mo hilahin. Baka mamaya mag-mukha na akong gangster dito!" dagdag ko pa habang tinatanggal ang kamay nya sa damit ko.
"Ice creaaam! Chanyeol naman e!" sabi nya habang nagpapadyak pa.
"Aish! Mamaya na. Magsama kayo ni Luhan! Aswang din sa Ice cream yon!" sabi ko at patuloy padin ang pagtatanggal ng kamay nya sa laylayan ng damit ko.
"Asan na ba kasi yun e! Ang tagal-tagal." sabi nya sabay talikod at palinga-linga para hanapin sina Luhan at Ara. "Wala man lang ka-gentleman gentleman to'ng kasama ko! Nakaka-asaaar!" sabi nya at bigla nalang lumakas ang boses nya. Nagtinginan na ang ibang tao kaya minabuti ko nalang tumalikod.
BINABASA MO ANG
She's into Him [EXO Fanfic]
FanfictionA story made for all the EXO stans out there! v(^____^)v This one's for you guys! ♥ We should raise our EXO's flag! >:) Hahahahaha. :) Dedicated to my oh-so-pretty PATRICIA RAMOS LALENG ♥ Hihihihihi~ Ni-request nya. Kaya, puro kilig moments. :))) He...
![She's into Him [EXO Fanfic]](https://img.wattpad.com/cover/10079152-64-k272594.jpg)