2 weeks na after nung narinig ko yung naging paguusap ni Luhan at Ara. At 2 weeks ko na din syang pilit iniiwasan.
Nagtataka na sya kung bakit parang umiiwas ako sakanya. Pero, lagi kong sinasabi na busy ako kahit hindi naman. Nageeffort padin sya pero parang limitado na. Lagi na ding nakadikit sakanya si Ara. Yung tipong parang linta na laging nakakapit sa braso ni Luhan.
Dalawang linggo na din ang nakakalipas. Mas lalo na silang napapalapit sa isa't isa ni Ara. At hindi naman ako nababahala don. Dahil sa una palang, lovers naman na talaga sila.
"Patricia, oh. Cotton candy." pag-ooffer ni Luhan sakin. Nandito kasi kami sa isang Park kasama ang buong Exo, Irish at si Ara. Sa totoo lang, gustong gusto ko ng sunggaban yung cotton candy na yun pero parang may something na pumipigil sakin. Oh my gosh.
Umiling ako at ni-wave ang dalawa kong kamay as a sign of no. "No, thanks. Si Ara baka gusto nya." ewan ko kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sabihin sakanya yun. Geez.
Pagtingin ko sakanya, bigla syang ngumisi at umupo sa harap ko habang nakatukod ang isa nyang binti at yung isa naman ginamit na pansuporta para makaupo. "Teka, napansin ko lang. Iniiwasan mo ba ako, ha Patricia Ramos?"
Umiling for I don't know how many times.
"Sus. It's obvious." sabi nya at saka lumipat ng upo sa katabi kong swing. "Are you jealous?" curious nyang tanong.
Kumunot ang noo ko sa tinanong nya. "Kapal mo, bat ako magseselos?"
"Tch. Kunwari ka pa. Kitang kita na kaya—"
"Hey, Lulu! Come on, let's stroll." napatingin kami pareho ni Luhan kay Ara. Sya ang laging tumatawag ng Lulu kay Luhan. Ewan ko, pero sa pagkakaalam ko, ayaw na ayaw ni Luhan na tinatawag syang Lulu.
Nagulat ako nang bigla nya akong hawakan sa kamay at hinila palapit kina Ara. Nakita ko pa ang paglaki ng mata nya nang mapansin nyang hawak ni Luhan ang kamay ko.
Sinubukan ko pang tanggalin ang pagkakahawak nya pero tumingin sya sakin at sinabing ..
"Don't you dare to remove your hands on mine. I'll kiss you, miss! You'll see." pagbabanta nya na narinig naman ng ibang myembro kaya tumawa sila. Ganun din si Irish.
Napagusapan kasi namin ang patuloy na pageeffort ni Luhan. Ang sabi nya, hayaan ko nalang daw munang may mapatunayan sya. Kung talagang seryoso sya, kahit anong iwas ang gawin ko, gagawa at gagawa sya ng paraan mapalapit lang sakin. At sa nakikita ko, ganun nga ang ginagawa nya ngayon.
Naglakad-lakad lang kami at ganun padin ang status ng kamay namin. Intertwined at para kaming real couple na naglalakad sa park.
Binigay na din sakin ni Luhan ang cotton candy at hindi ko naman na iyon tinaggihan. "Wag mo na akong iwasan ah?" sabi nya sakin habang naglalakad at nakatingin lang sya sa dinaraanan namin.
Napangiti naman ako ng palihim. Napapansin nya nga ang pag-iwas ko. "Baka kasi magalit si Ara kapag lumapit ako eh." sabi ko at agad naman syang tumingin sakin.
"Bat naman sya magagalit? Naipaliwanag ko na yun sakanya. Ikaw ang nililigawan ko, hindi sya. Okay?" sabi nya saka kinurot ng mahina ang pisngi ko.
Alam ko na, na sobrang mahal pa ni Ara si Luhan. Kinausap nya ako last time. At dun ko napatunayan kung gano sya ka-desperadang magkabalikan sila ni Luhan.
flashback ..
"Gusto mo ba si Luhan?" tanong sakin ni Ara. Hindi ako kaagad nakasagot pero agad din naman ako nakabawi.
BINABASA MO ANG
She's into Him [EXO Fanfic]
FanfictionA story made for all the EXO stans out there! v(^____^)v This one's for you guys! ♥ We should raise our EXO's flag! >:) Hahahahaha. :) Dedicated to my oh-so-pretty PATRICIA RAMOS LALENG ♥ Hihihihihi~ Ni-request nya. Kaya, puro kilig moments. :))) He...