Chapter 3.1 (EDITED)

562 11 0
                                    

A Great Tease

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Brielle's POV

Nagising ako at nakitang nasa loob na ko ng kwarto ko. Did Neo carry me up here? Dinilat ko ng maigi ang mga mata ko at tamad na umupo sa kama. Hell! Why I'm dress up with my pajama now?

Kunot noo akong tumayo at naglakad papunta sa kwartong katabi ng kay Lucas. Kakatok na sana ako dito pero napahinto ako ng makarinig ng halinghing ng isang babae. Magkahalong ungol at tawa ito.

Anong oras na ba at ang iingay ng mga hudas na to?

Imbes na istorbohin ang ginagawa ni Neo at ng kung sino mang potio pilata ay nag lakad ako papunta sa hagdanan. Bumaba ako rito at naabutan si Kazu na nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa ibabaw ng TV at nakitang quarter to two na ng madaling araw.

What's with these boys and their late night habits?

Biglang tumunog ang tyan ko na ikinalingon ni Kazu. Hindi ko tuloy mawari kung tatakbo ba ko sa hiya o ngingiti nalang.

"Did you fart?" Nakangisi nyang pang asar. Nararamdaman ko ang init sa mukha ko pero bumawi ako at pinagsalubong ang kilay ko.

"That's my stomach Kazu." Napatalon ako sa gulat ng tapikin ako ni Lucas na may hawak na isang platong sisig at nakaipit na scotch sa braso.

"Kuha kang rice don sa kitchen kain tayo." Yaya ni Lucas sa akin ng makaupo ito sa couch. Tatanggi sana ako sa offer nya pero hindi ko na ipinagpatuloy pa dahil sa tumunog nanaman ang tyan ko.

Tumalikod ako ng marinig ang tawa nila. Eto ang mahirap sakin. Hindi ko kayang hindi kumain kahit isang meal lang. Tatlo o limang beses dapat para hindi ako magkaganito.

Mabuti nalang talaga at hindi ako mabilis tumaba.

Kumuha ako ng malaking bowl ng rice at ng tatlong set ng kubyertos at plato.

Ng makarating ako sa living room ay nandoon na rin si Sky. Lumapit ako sa table at inilapag ang mga dala ko.

"Bagsak ka kanina ah." Biro ni Sky. Ngumiwi ako at ngumiti ng peke. Siraulo talaga. Sabihin ba naman sa harapan ni Kazu. Binusy ko ang sarili ko sa pagkain habang sila naman ay nag iinuman at nagkwekwentuhan ng kung ano ano. Tulala ako sa TV habang ngumunguya at sinusubo ang pagkain.

"Ikaw ang beauty queen na walang ka poise poise." Napatingin ako bigla kay Sky ng sabihin iyon. Puno ang bibig kong sinabihan syang tumigil pero ng maalala ko na kasama namin si Kazu ay huminto ako sa pagiging ill mannered ko. God! I will kill this jerk right away. Pinapahiya nya ko.

"Wag mo na inisin Sky. Kumakain eh." Sita ni Kazu sakanya. Yumuko ako sa kinakain ko at umikot ulit para humarap sa TV. Sumubo ako ng isang kutsarang kanin at nangiti sa sarili. Bwisit. Kinikilig ako sa mga simpleng salita ni Kazu. Idagdag pa ang alaalang hinalikan nya ko kanina sa stairway ng university at ang mga sinabi nya ng nasa lob kami ng basement.

Ng matapos ako kumain ay uminom ako ng isang shot ng iniinom nila. Nakatitig lang si Kazu sa akin habang si Sky at Lucas naman ay nakatingin sakanya. Seriously? Anong meron at ganito sila ngayon?

"May pasok ka pa bukas, di ba Brielle?" Tanong ni Sky.

Umiling ako sakanya at sinabing pupunta ako sa isang tv network para sa isang tv guesting. Gabi pa naman iyon kaya pwede akong magpuyat.

A Great TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon