Chapter 20.1 (EDITED)

382 5 1
                                    

A Great Tease
© Dropdownbymygravity


Continuation..

Kazu's POV

Medyo masakit pa rin ang katawan ko dahil sa nangyari sa amin ni Brielle. May ilang araw na ang lumipas pero nararamdaman ko pa rin ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko nga alam kung normal pa ba to o hindi na eh.

Lumabas ako ng kwarto ko at nagtimpla ng coffee sa kitchen. Pumunta ako sa living room at umupo sa couch, nakita ko si Brielle na nakatayo sa gilid ng pintuang nagkokonekta sa garden at living room habang umiinom ng coffee.

Tumayo ako at lumapit para tumabi sakanya.

"Hey?" Bati ko pero parang wala lang syang narinig dahil nakatingin sya sa isang lugar. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya at nakita ko sila Lish at Neo na naghahalikan. Sinilip ko rin ang mukha ni Brielle at napansin kong nakakunot ang noo nito. Ibinalik ko ang tingin kay Lish at Neo na paalis na ng lugar ng hindi pa rin natatapos ang halikan.

"Slut." Wala sa sariling sabi nya sa sarili. Siguro nga at hindi nya talaga napansin ang presensya ko dito sa gilid nya. She turns around and obviously got surprise seeing me infront of her dahil napasigaw pa sya sa gulat ng makita ako.

"You jealous?" Tanong ko kaagad, nginuso ko ang pond at nagkibit balikat. Kumunot lang ang noo nya at umiling pagkatapos. "Bakit magseselos?" Sabay upo sa wooden chair at sip ng coffee nya. Napangiti ako.

Well, obviously, because jealousy is written all over your face and you're still denying it.

"Well if that's the case, I think wala na kong kaagaw sayo? I can have you all mine alone?" Prenteng sabi ko. Natigil sya at unti unting umangat ang tingin sa akin. She stares at me for maybe a minute, pero ng marealize nyang hindi ako nagbibiro at walang bahid ng kalokohan ang mukha ko tsaka lang sya nagsalita.

"May point ka. At least hindi ko na kailangan mamili between you and Neo. Back to the same plan as before." Tumatango nyang sabi. She plastered a smile but unfortunately hindi makatotohanan ang ngiti nya. Hindi umaabot ito sa mata at para bang sarcastic pa. Napailing nalang ako. Neo caught us, he saw and heard everything. Hindi na ko magtataka at nakakaya nyang makipaghalikan kay Lish habang nakatingin si Brielle sa kanila.

They had a plan. Ako rin meron. Make Brielle fall for me and Lish will have Neo with her alone. Kung nagwowork ba ang ganito? I don't know, sa part ko siguro kahit papano, oo. Pero para kay Lish, hindi yata? Ewan ko, parang malabo. Dahil kung si Brielle nahuhulog pa lang at naguguluhan sa aming dalawa, si Neo naman ay hulog na hulog na. He can gave up everything for Brielle, sa tingin ko palang. Kaya nyang tanggihan ang iba para kay Brielle at sa tingin ko? Nadadala lang sya sa nararamdaman nyang galit dahil sa nakita nya. Kahit sino naman siguro magagalit pag nakita mo ang karibal mo na nakikipagsex sa nililigawan mo. Kahit sino naman yata masasaktan pag narinig nyang nag I love you pa ito habang ginagawa nila yon.

Pero ang hindi nya alam ay kontrolado lang si Brielle ng alak at drugs kaya ganon sya, I even whispered to her ear to say those words. Pero okay na rin yon. Okay na rin na magalit sya kay Brielle para kung sakaling marealized nya na hindi na sya galit at maisipan nya ng tanungin si Brielle tungkol sa nangyari ay baka sakaling sa mga oras na yon, kami na at wala ng chance para sa kanya.

I don't love Brielle yet. Nachachallenge lang ako. Siguro. Hindi ko alam. Magulo. But it doesn't mean that I don't like her that much. Maybe I'm already in between like and love. Maybe I'm confused?

Neo's POV

Give up? Maybe that is the right thing to do and the right wordd to say. Ano pa nga bang laban ko sa pagsigaw nya ng 'I love you Kazu!' Hindi ba wala? Dapat alam ko to eh, dapat umpisa palang dapat alam ko na to. Dahil umpisa palang malinaw na sakin na si Kazu ang gusto nya at hindi ako. Dapat pinigilan ko, dapat pinigilan ko ang sarili kong mahalin si Brielle.

Mukha tuloy akong kawawa. Mukha akong gago. Mukha akong naloko kahit hindi naman.

Halos kada pipikit ako nakikita ko ang ginawa nila. Kada ipapahinga ko ang isip ko naririnig ko ang mga ungol ni Brielle.

Damn it. Bullshit!

Hinila ko papasok ng bahay si Lish without breaking our kiss at ng mapansing hindi na abot ng tanaw namin si Kazu at Brielle na nasa pintuan ng garden ay ako na mismo ang kumalas sa halikan naming dalawa.

"Sorry." Kasi manggagamit ako, kasi ginagamit kita para mapakitang okay lang ako. Nilagpasan ko sya pero bigla syang nagsalita kaya napalingon ulit ako sakanya.

"You should talk to her." She said with shaky voice. As far as I remembered gusto nya kong bumalik sakanya. Hindi ba? So anong ginagawa nya? Tinutulak nya ko kay Brielle?

"Ang sama lang kasi sa pakiramdam na ginagamit mo lang ako, na pagkatapos mo kong halikan iiwan mo nalang ako. Alam ko iniisip mo gusto ko to, na desperada ako. Pero sana naman Damien iniisip mong tao rin ako na may pakiramdam, nasasaktan. Mahal kasi kita eh, pero ayoko naman ng dahil lang sa masama yung loob mo kaya gagamitin mo ko. It's not fair. I still love you and it will never be fair." Humarap sya sa akin at nginitian ako kahit bakas sa mukha nya ang lungkot.

"That's why I want you to talk to her. Di naman ako desperada eh, di ba sabi mo hindi ko dapat ginagawa yon, ayoko kasing ipagsiksikan yung sarili ko sa taong hindi naman na talaga ko mahal. Kaya gusto ko magkalinawan kayo. Hindi yung ganito. K-kung tapos na talaga ang kung anong meron kayo siguro pwede na kong pumayag na gamitin mo ko."

Umakyat na sya sa hagdanan at akmang papasok na ng maisipan kong habulin sya. Di naman ako ganon, pero siguro nga nagiging manggagamit na ko. Ginamit ko nga si Brielle para pahirapan sya di ba? Ngayon baliktad na ang mundo. Sya na ang ginagamit ko para pasakitan si Brielle? Ano bang iniisip mo Neo!

Ng nakapasok na sya sa kwarto at isasara na sana nya ay agad akong pumasok at sinarado ang pintuan. I hug her tight. "Sorry." wala na kong alam na ibang sabihin kung hindi sorry. Nasaktan ko sya eh, pero parang mas nasaktan ako dahil tinataboy ko yung babaeng umiintindi ng totoo sa akin ngayon.

Naramdaman kong niyakap nya ko pabalik at hinagod hagod ang likod ko. "Hush, stop crying Neo, everything will be fine." Hinawakan ko ang pisngi ko at napansing may luha nga na indikasyon na umiiyak ako. Pwede bang mangyari yun? Na unconsciously maiiyak ka? Ganun na ba kalakas ang epekto sakin ni Brielle kaya nagkakaganito ako?

"Hindi pa ba sapat yung nakita at narinig ko para hindi malaman na tapos na ang lahat? Lish game over na. Ayoko ng mas magmukhang tanga. Hindi nya na kailangan ipamukha sa akin ang bagay na obvious na naman." Pinunasan ko ang luha ko at umupo sa paanan ng kama.

"Damien hindi mo pa alam ang lahat, di ba dapat alamin mo muna?" Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin.

"Ayoko ng ipagsiksikan ang sarili ko sa taong nakapili na Lish." Walang gana kong sagot.

"Siguro kailangan ko nalang ibaling tong nararamdaman ko sa iba. Dun sa mas deserving." Hinila ko ang kamay nya at pinatayo sa gitna ng mga hita ko.

"Pwede sayo ko nalang ibaling tong nararamdaman ko?" Nagulat sya sa sinabi ko pero maya maya ay napansin ko ang unti unting pagngiti nya.

"Pwede mo naman subukan eh. Wag mo lang sana ko masyadong papaasahin."

I kiss her with my close eyes. Siguro nga pwede ko naman subukan kahit mahirap. This is way different from Brielle's kiss but maybe.. maybe I can train myself to love someone else. Lalo na't sila na ni Kazu at nandito naman si Lish para sakin.

--
To be continued..

A Great TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon