A Great Tease
© Dropdownbymygravity
Continuation..
Kazu's POV
"Good morning." Bati ko kay Lish at binigay sakanya ang mug na tinimplahan ko, tatlong mugs ang prinepare ko at para kay Brielle ang isa.
"Oh? Bakit maga yang mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ko dahil sa napansin. Nilapitan ko pa sya at hinawakan ang malaking eyebags nya. Kunot noo kong nilevel ang mukha ko sakanya ng hindi nya ko sinagot.
"Lish?"
Inalis nya ang kamay ko sa mukha nya at bumuntong hininga. Umupo sya sa high stool at humigop ng chocolate drink mula sa mug.
"It's nothing Kaz, naalala ko lang kagabi kung gaano ako katanga kaya umiyak ako. Nothing serious." Kibit balikat pa nya. Pumasok si Brielle kaya para akong tanga na kinuha ang mug sa counter at inilahad sakanya ng makalapit sya kahit nagpupungas pa sya ng mata. Ngumiti sya sa akin at mabilis namang tinanggap ang mug, nagpasalamat sya sa akin bago lumabas ng kusina. Bumalik ako sa kinauupuan at ngumiti sa sarili na parang baliw.
"What's wrong?" I asked again when she's staring at me like an idiot.
She sighed before answering my questions.
"I love Neo and.. and I really want him back Kaz." Yumuko ito at tinitigan ang hawak na mug. Bulong lang ang narinig ko sakanya.
"So kaya ka balisa?" Nag nod lang sya at nagpumilit ngumiti. She really don't know how to pretend. Hindi talaga sya magaling doon.
"D'you like Brielle?" Tumingin ako sa kanya dahil sa tanong na ibinato nya. I don't want her to know my feelings towards Brielle. Ang weird. Hindi ko alam kung gusto nya bang magkagusto ako sa iba or ipagtutulakan nya ba sa akin si Brielle para lang makuha ang gusto nya. She's not like that. Lish have issues pero kahit ganon pa man ay alam kong hindi naman sya gagawa ng bagay na alam nyang magpapasama sa pagkatao nya.
"Maybe if I can have Brielle then he'll be yours." Mahinang sabi ko dahil sa biglaang pagpasok ni Lucas sa kitchen. Mabilis rin naman itong lumabas kaya nabalik kami sa pag uusap.
"Y-you gonna help me?" Nalilitong sabi nya. Hindi ko alam kung tinutulungan ko nga sya.
I love her. I hate seeing her in a way na mukha na syang tanga at parang baliw dahil walang laban. I want to fight for her but I'm not what she needs. I'm not what she wants. Kami in a secret way pero hindi naman akin ang puso nya. Ano nga bang laban ko? Unlike to her mukhang may pag asa ako kay Brielle. Unlike to her mukhang mas may pag asa akong maging akin sya ng buong buo.
"She's not that fully into him, I can assure that. I can have her, flirt with her or steal her. I don't know." Pinat ko ang ulo nya bago tuluyang naglakad papunta sa living room. Narinig ko ang boses ni Brielle. I need to make a move bago pa ko maunahan ni Neo. I need to get her heart and attention away from Neo.