A Great Tease
© DropdownbymygravityContinuation..
Brielle's POV
Nakakainis lang, feeling ko ang sama sama ko. Feeling ko may nasasaktan ako, yung kahit pa wala naman akong ginagawang masama nakakasakit pa rin ako? "You know what bestfriend.." napatingin ako kay Yuki ng magsalita ito.
".. why don't you just pick one ng malaman na nila kung sino talaga sa isa sa kanila. I know it's hard, ang komplikado naman kasi ng situation mo eh.. pero mas magiging komplikado kasi yan lalo pag mas tumagal. Mas napapaasa mo yung isa." Dagdag nya pa. Napabuntong hininga nalang ako sa mga narinig. He has a point, kung tutuusin tama naman lahat ng sinabi nya. Alam ko naman na mas lalong gugulo pa ang sitwasyon pag tumagal pa lahat ng to eh.
"Para naman kasing ang daling mamili?" Tinungga ko ang kanina ko pang nilalarong baso ng vodka. Nakakafrustrate, paano ba ko napunta sa ganitong sitwasyon? Danaig pa nito ang problema ng pagiging Miss universe sa sobrang nakakafrustrate.
I like Kazu but I'm starting to fall for Neo, Neo feels the same way as mine but Kazu is falling for me too. The sad part here is Lish, I know she likes Neo but I'm too confused to do things, to decide even.
"Well nagiging mahirap lang naman ang pagpili kapag naiinlove kana. In your case kasi hindi ko mawari kung kanino ka in love? If I were you, I will try to weigh what I am feeling." Tumungga din sya ng drink nya habang nagtetext, see how spontaneous he is, naglelecture sya sakin, umiinom and at the same time nagtetext.
"Sino ba yang katext mo?" Tanong ko, hindi kasi mapirmi ang atensyon nya sa akin. Titingin sya sakin tapos sa cellphone, minsan mas gusto ko pa tuloy na titingin tingin sya sa paligid habang nagkekwento dahil may nakikita syang mga gwapong lalaki. At least doon nakukuha ko pa din ang full attention nya pagkatapos. Hindi kagaya ng cellphone nya.
"Yung girl na kwinekwento ko sayo?" Tumingin sya sakin pero ng tumunog ulit ang phone nya ay nawala nanaman sya sa sarili at nagpipipindot nanaman sa screen. "Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit ganyan ka pa! Sabihin mo sa katext mo kasama mo bestfriend mo kaya mamaya na sya magtext!" Pabagsak kong binaba yung baso na tinungga ko. Hindi naman sya nagulat dahil sanay na rin naman sya sa akin. Hindi naman ako nakakatakot pag nagagalit.
"Sige na, eto na. Galit kaagad?" Nagpipipindot nanaman sya, pagkatapos nyang sigurong magtext ay in-off nya na ito at inabot sakin. "Oh ikaw humawak! Baka mabaliw ako, buksan ko yan magalit ka pa ulit." Kinuha ko yung phone nya at nilagay sa pouchbag ko.
"Saan na nga tayo ulit?" Tanong nya habang kakamot kamot ng ulo nya.
"Dun sa girl." Walang gana kong sabi. Ngumuya nguya lang ako habang tumitingin sa paligid.
"Ah. Oo nga.." Napatingin ako sakanya, para kasi syang baliw na nakangiti nung sabihin nya yon, nagbago na din sya sa pananalita, though mahinhin talaga syang talaga, nakasanayan na siguro nya, since grade school kasi ay malamya na sya kumilos. Sa porma mas umunlad or I must say na mas sumimple sya, kahit simpleng pants lang kasi at vneck na t-shirt ang gwapo na nya tignan. Lalo na ngayon. Ngayon ko lang din kasi sya natitigan simula kanina and in fairness, mas nagmukha talaga syang lalaki ngayon. Kung hindi ko nga lang siguro alam na bakla sya noon, baka nagkagusto na ko sakanya.
".. kilala ko na yung girl. Unfortunately.." nawala yung ngiti nya. ".. ex girlfriend sya nung guy na hinihintay ko nun sa library nung magkita tayo. What a big coincidence, right? Masaklap lang kasi sinisiraan ako nung lalaki doon sa babae, ex ko din kasi yung lalaki. Bisexual rin. The sad part here is inlove pa sya ng sobra don sa babae na nakakaganon ko, nagalit sya sakin kasi nalaman nya na ayon nga.. Malay ko ba kasi na pareho lang di ba?" Masyadong complicated? Yung totoo bakit mas complicated pa yata yung kanya kaysa sa sitwasyon ko?