A Great Tease
© DropdownbymygravityContinuation..
Brielle's POV
"Wala na bang mas hindi revealing dito?" Tanong ko sa nagbigay sa akin ng mga pagpipilian ko.
"Eh k-kasi po. A-ayan lang po yung mga binigay." Kakamot kamot na sabi ng PA ko. Umirap ako sa pagiging sarcastic nya. Kung hindi lang kami close nito ay sinapok ko na ito.
"Wala bang see through na robe or anything? Alam nyo na. I need to be wholesome kahit FHM to?" Nakakairita naman kasi tong mga binibigay sakin, wala ba kong choice mamili ng sosootin? Nagkulang ba sila sa wardrob? Kulang nalang wag na nila kong bigyan ng isusuot at magpabili nalang ako ng bandaids para lang matakpan tong mga private parts ko eh. Nakakainis.
"Eh. Sige po Miss Brielle sasabihin ko dun sa organizer." Lumabas na nga sya ng dressing room. Hindi naman ako demanding, though I have the rights to demand dahil pinipilit nga nila kong magcover. Pumayag na nga ako basta ba hindi gaanong revealing pero eto pa rin sila. Seriously? Sa tingin ba nila hindi ito revealing?
Ayoko ng masyadong revealing dahil nasabi ko na to kay Neo eh, na hindi ko ipapakita ang buong kaluluwa ko para lang sa isang magazine. Iniisip ko tuloy na mali ang desisyon kong sinuway ko sya. Bakit naging ganito ang decision ko? Well, it is because of Kazumi, pumayag kasi syang mag pose ako, di ba? I know my limitations, ofcourse. Kung tutuusin baka ito na rin ang huling project na tanggapin ko mula sa ganitong klaseng magazine kaya dapat ko na rin siguro sulitin and.. as I've said earlier.. I'm in between yes and no. That's why I made some boundaries. Siguro okay na yon. Kung ayaw nila ang gusto ko edi wag, I will quit then.
"Miss Brielle eto po pwede na ba?" Tanong nung nagbibigay ng mga pagpipilian ko. Nasa likod nya ang PA ko na nakangiwi.
"Teka? Kumot?" Kunot noo kong tanong.
Kumot lang kasi ang hawak nya. Anong gagawin ko sa kumot? Wala na ba talagang maisosoot?
"Uhm, Miss Brielle explain nalang po sainyo mamaya, soot nyo nalang muna po itong mga to." Itinaas nya yung isang kamay nya na may hawak naman na kulay beigh na bra at boxer panty." Well guess I have an idea what will gonna happen.
~~
Nakakatamad, boring, nakakainip. Bakit? I'm waiting for him simula 10pm pa and for pete sake, it's almost 3midnight at wala pa rin sya.Kung tutuusin dapat tinutulugan ko na sana to at hindi na naghihintay pa. Pero dahil hindi ako makatulog at nakasanayan ko na ang hinahalikan nya muna ko sa noo at sasabihin na matulog na, kaya hindi tuloy ako makatulog. In his way of comfort mas nakakatulog ako at hindi na sinusumpong pa ng insomnia ko. Hindi ko rin alam kung bakit, pero these past few days nakakasanayan ko na sya bilang ganon, na hanggang halik sa noo lang, na wala ng sex na nagaganap sa pagitan namin, actually kung gugustuhin nya naman papayag ako pero hindi eh, walang nagaganap. Para bang masyadong syang gentle ngayon na kahit halik lang sa labi wala na. Nakakapanibago lang, parang hindi sya si Neo. Hindi sya aggressive or.. baka pagod at stress lang talaga sya dahil sa trabaho nya kaya nagkakaganon sya or baka wala talaga sya sa mood?
Napamulat ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko. Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang humalik sa noo ko. "Oh Kazu?" Disappoint ba ko na sya ang nakita ko o hindi ko lang talaga inasahang gagawin nya to?
Kazu's POV
I kiss her on the forehead, napansin ko pang nakangiti sya pero ng minulat nya na ang mga mata nya nagbago bigla ang expression ng mukha nya, na para bang na disappoint sya na ako ang nakita nya.