A Great Tease
© Dropdownbymygravity
Continuation..Yuki's POV
Wala akong alam, hindi ko na masyadong nakikita ang bestfriend ko at hindi ko na sya nakakausap sa mga bagay bagay. I know how she love Neo but when I knew that she's ended up with Kazu? Nakakagulat lang. Hindi ko inasahan. Alam ko wala akong karapatan na pangunahan sya but damn ako ang naguguluhan sa sitwasyon nya. How can she be like this. Is she a masochist? "Brielle?"
"Yuki nakapagdecide na ko. No one can change my mind." Sabi nya habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri nya. She's pregnant, siguro kaya sya stubborn, emotional at kaya rin siguro magulo ang utak nya at kung ano ano ang ginagawa nya.
"Brielle.." Suminghap ako bago ituloy ang sasabihin ko. ".. totoo ba yan? Final na ba yan? Kasi ako pakiramdam ko hindi, nararamdaman ko may mali.. Di ba si Kazumi rin nararamdaman yon? He's doubting too, right? Bakit sya naghehesitate, ikaw hindi?" Tinignan nya ko at malamyang nginitian.
"Ewan ko ba sainyo kung bakit nararamdaman nyo yan. Para kayong sira." She sighed and look at the wall behind me, nakangiti pero hindi masaya.
"I hate this situation. Magulo, pakiramdam ko nga bawat decision ko mali lahat para sa paningin ng iba, sa paningin nyo. I give Damien a closure.. I know hindi nya tatanggapin yon but I want my mind at peace at nakuha ko yon ng makausap ko si Damien at Zhyl." Tumango lang ako kahit naiinis ako. She's a hundred percent denial!
"Paano kung magsisi ka?" Tanong ko.
"Yuks I regretted it already.. and I don't want to do the same regret twice. Paano kung hindi naman talaga tama na si Neo di ba?" Baliw! Kung hindi lang sya buntis baka nabatukan ko na sya. She's over thinking things, pinapauna nya ang mga what ifs kaysa sa realidad.
"Magiging masaya ka ba?" Huling tanong ko. I just want to assure her. Make her feel that I'm on her side. I want her to know na yung ikasasaya nya ang gusto ko. But instead of a nod, tumulo na lang ang luha nya. Stupid pregnant Brielle! Lumapit ako sakanya at niyakap sya. "Choose what will makes you happy. Choose Neo, Brielle."
Kazu's POV
I still don't know what to believe and to do. Ugh! Huminga ako ng malalim at tinungga ang JD na nasa harapan ko. Pesteng isip to ang gulo. Na sa akin na si Brielle pero hindi pa rin ako makuntento. Ano ba talagang gusto ko? "If it wasn't about the baby, ano bang gagawin mo?" Seryosong tanong ni Lucas habang naka crossed arms pa.
"Mahal mo ba talagang si Brielle?" Dugtong nya pa.
"I love her so much." Sagot ko sa pangalawang tanong nya, binalewala ko ang unang tanong dahil maski ako ay naguluhan na rin. Ano nga bang gagawin ko kung walang baby na involve? Nasa tabi pa rin nya ba ko? Malamang hindi dahil nagpakalayo layo na ko.
"Then bakit naguguluhan ka? Hindi ka ba masaya? Ayaw mo bang maging masaya?" sunod sunod nyang tanong. Ewan ko. Magulo eh, wala akong maintindihan sa sarili ko.
"Mahal mo sya pero hindi ka masaya. Bakit?" Huminga ako ng malalim at tumingin sa kisame. This is freaking torture Lucas! Tama bang ienterrogate ako?
"Lucas pwede uminom nalang tayo. Maski kasi sa sarili ko hindi ko alam ang isasagot sa mga tanong mo." Umismid sya at ngumiti ng nakakaloko.
"The heaven was already send you a sign dude. The baby. Kung hindi talaga para sayo si Brielle.. hindi magkakababy.. pwede naman nyang ipaabort yon kung gugustuhin nya pero hindi nya ginawa. She proposed to you many times, she wants to marry you. If it was all because of the baby hindi naman sya magpapakasal sayo. Hindi nya bibigyan ng closure si Neo at hindi sya babalik sayo pagkatapos nilang magkita kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Besides don't you see it. Magkakaanak na rin yung gusto mo para sakanya. Hindi kita magets eh." Ako rin. Hindi ko na alam. Siguro nga close minded ako pag dating kay Brielle. I love her. But the feeling of her not being happy with me is what's bothering me the most. Alam ko. Ramdam kong hindi sya masaya. Okay sya pero hindi masaya. Masama ba ko masyado mag isip kung pagiging masaya lang nya yung iniisip ko? Tanga na ba kong maiituturing dahil hindi pa ko kontento?
Lucas' POV
Napapabuntong hininga nalang ako. Dinedepress nya masyado ang sarili nya. Kung ako sakanya magiging masaya ako. Kung ako sakanya, I could not ask for more and think things for less. "Tanga ko noh?" Natawa pa sya sa mismong nakakaloko nyang tanong.
"Bobo ka dude hindi ka tanga." Madalas iniisip ko nalang syang suntukin ng matauhan kahit papaano. I know he's doubting but.. "Parang ayokong mag I do sakanya at maging run away groom sa kasal namin." Bitterness all over his tone.
"Gago wag ganon."
"Wag mo pangunahan si Brielle. Kung sya nga hindi nagdadalawang isip pakasalan ka? Ikaw pa?" Tinungga ko yung shot glass ko na may lamang vodka. Pakiramdam ko mas nakakalasing ang iniinom nyang JD kaysa dito sa vodka na iniinom ko. Para kong nakikipag usap sa babae. Napaka contradicting. Napaka drama. Ang baliw. Ayoko ng magmahal kung magiging komplikado lang ako kagaya nya.
"Hindi ka ba masaya?" Nilaro nya yung bibig ng shot glass na hawak nya.
"Masaya." Simpleng sagot nya kahit taliwas naman yon sa ekspresyon ng mukha nya.
"Gago. Put this to your mind.. Kung ayaw nya sayo hindi ikaw ang pipiliin nya. Well let say na mahal nya pa rin si Neo pero ikaw pa rin, nandyan pa rin sya sayo and that what matter the most. Wag ka nga bading. Nasayo na yung tao. Cheer up dude." Tinapik ko sya kahit parang batok na ang ginawa ko. Kailangan nya ng magising. Tanga lang ang hindi magiging masaya sa katayuan nya. Bobo lang ang hindi makukuntento sa kung anong meron sya.Neo's POV
Naimbitahan ako para sa isang interview sa TV network kung saan ako sumikat. Pumayag ako dahil ayoko na rin na tinitignan ako ng masama at binubully ng mga taong nasa paligid. Sa sama ng mga tingin at sinasabi nila tungkol sa akin para bang alam nila ang lahat, na para bang andoon sila noong nangyari yon. Naiinis akong isipin na naging tagahanga ko sila noon pero ganito na sila makitungo sakin ngayon. Naramdaman ko rin ang pagiging uneasy sakin ng host, maski ata sya takot, galit at nandidiri sakin pero hindi magawang humindi dahil big break sakanya ang mainterview ang pinaka kontrobersyal na tao sa showbiz ngayon. Nag umpisa ng magsalita ang host sa nakatutok ng camera habang ang karamihan ay sakin nakatingin na para bang sinasabi na 'Puro lang naman kasinungalingan ang sasabihin nya' inalis ko sa isip ko ang mga naiisip ko at nagfocus sa ngayong nakatingin sakin host.
"Neo Alcantara you suprise everyone." Ngumiti lang ako ng matipid. A genuine smile kahit hindi naman kailangan dahil masama na ang tingin ng lahat sa akin.
"First and foremost. Gusto kong magsorry sa lahat. I know hindi nyo ko mapapatawad agad kasi sa paningin nyo masama akong tao. But.." I take a deep breath.
"Well Zhyl just said na magkakababy na kami.. kahit nahihirapan akong maniwala papanagutan ko." Napansin kong kumunot ang noo ng host.
"It's sounds like napipilitan ka lang?" Tanong nya. I know kaibigan nya si Zhyl kaya nasa kanya ang simpatya nito, I can't please anybody with my words and gestures alam ko yon. Ngumiti ako pero dahil sa halo halong pakiramdam parang wala na lang yung ngiti ko. "Wala na rin naman akong choice, di ba?" Napansin kong namumula na ang host, maybe she's mad now.
"Oo, sabihin na nating ginusto ko yung nangyari. But the baby.. it's just an accident, aksidente na hindi ko ginusto pero wala namang kasalanan. Hindi naman lingid sa kaalaman nyo na may mahal akong iba, hindi ba? Simula ng malaman nya ang lahat nagalit na sya, lumayo. I know I deserved to be left. I deserved everything that's going on to my life now. And I'm starting to think that maybe we're not really meant to be kaya nangyayari lahat ng to. Lahat. And believe it or not mawala na ang lahat wag lang sya. Pero wala na eh. Wala na sya, I can't get her back.. ayoko ng simpatya nyo.. alam ko magagalit pa rin kayo kahit magpakaplastik ako and that's your lives and your own minds. Gusto ko lang ngayon ay magpaalam. This is the end of showbiz career for me, matagal na rin naman akong walang career kung tutuusin. Thank you sa mga naging fans ko, sa mga fans ko pa rin na nandyan pa para sakin, sa manager ko at sa mga kaibigan ko sa showbiz.. At uulitin ko I'm sorry." Natapos ang interview sa nakakabinging katahimikan pagkatapos ng sinabi ko. Sa ngayon nasabi ko na ang lahat. Pwede ko ng ibaon sa limot ang mga nangyari at ayusin ang panibagong buhay ko. Panibagong buhay na hindi na maghahabol sakanya at kakalimutan sya. Susubukan kong gawin.
Dumeretso ako sa kotse ko. But seeing Zhyl's face makes me more depressed. Sya ang dahilan kung bakit nasira ang lahat. Kung bakit nasira yung dapat magiging relasyon namin ni Brielle. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang tyan nyang maumbok na.
"Hi baby? Daddy is here." Ngumiti ako na para bang nakikita talaga ang sanggol na nasa tyan nya palang.
"Neo I'm sorry." Inangat ko ang paningin ko sa mukha nya. Umiiyak sya habang nakahawak sa braso ko. Pinunasan ko ang luha nya at matamlay na ngumiti. "Kahit ilang sorry pa ang sabihin mo wala ng mababago sa mga nangyari na. Let's just.. moved on."
"And please wag kang iiyak makakasama sa baby natin." Napangiti sya sa sinabi ko, I know she's happy dahil finally I claimed that the kid inside her is mine.
"Pero sorry talaga. Patawarin mo ko sa lahat ah. Di ko alam, ngayon lang ako natauhan." Hikbi nya.
"Let's just accept the fact." Niyakap ko sya at pinasakay na sa passenger seat ng kotse ko. We need to talk about things. Gusto ko maging klaro ang lahat. Ayokong maguluhan pa. At kailangan namin pag usapan ang tungkol sa bata.
--
To be continued..