A Great Tease
© Dropdownbymygravity
Continuation..
Brielle's POV
'When everything is not turning into it's proper places. How can you stop yourself from falling? How can you stop yourself from getting hurt? How can you stop yourself from believing each and every lies that you will see and hear? Will you just pretend that you're not affected and hurt and try to continue everything or will you stop yourself 'coz you can't bear it anymore?'
Pinilit kong tanggalin sa utak ko ang lyrics ng narinig na kanta. But it stocked here. Pinagulo tuloy nito lalo ang utak ko.
Bumaba ako sa kotse ko at naglakad papunta sa race track. Nagsuot ng mga safety gears at sumakay sa big bike kong si Constance. Matagal tagal ko na rin hindi nagagamit ang big bike na to. Hindi na rin kasi ako nakakapunta dito sa race track para kumarera at si Gamble lang ang nasasakyan ko madalas.
"Sure ka?" Tanong ni Vince, isa sa mga ka close ko dito at isa rin sa mga organizer ng event rito. Ngumiti lang ako bilang tugon, gusto ko gawin to para sa pagdedesisyon ko, I know this is stupid but I want to do this to know kung kailangan ko na bang mamili o hindi pa. It's a stupid way to decide but I also need to relax and for me it's one of the relaxing thing to do.
"Pag nanalo ka. Anong plano mo?" Tanong nya na tinutukoy ang premyo. Pero hindi yon ang inaalala ko. Paano nga ba pag nanalo ako? Would I decide or not? Will I wait for another sign or what?
"Hindi ko rin alam." Will I let myself win this? Handa na nga ba kong mamili? Pero paano pag nanalo ako? Kaya ko kayang piliin kung sino talaga sakanila ang gusto ko at ang tama para sa paningin ko? Pero paano kung magkamali ako ng pagpili? Bahala na nga.
Nag-umpisa na ang race, ng una ay nauuna pa ako sa karera pero hindi ko alam kung bakit binagalan ko ang takbo at pinauna ang halos lahat ng mga kalaban ko, nakakahiya pag natalo ako. I'm one of the best racers here ng madalas pa kong kumarera at lalabas akong kahiya hiya pag natalo ako ng mga baguhan na kumalaban sa akin, worst mga lalaki pa sila. I don't want to be humiliated, bahala na kung hindi ako makapagdesisyon ngayon, pinabilis ko ulit ang andar kay Constance at inilagay sa maximum speed ang bilis nito. Hindi ko alam kung ano bang plano ko pero ang alam ko lang, may dapat akong gawin at patunayan. Dahil kagaya ng pagkatalo ko sa karerang to para ko na rin sinabing magpapatalo ako sa mga bagay na iniisip ko.
The next thing happened ay nagising na lang ako na nasa hospital at may nakatusok na kung ano ano sa katawan. What happened? Hindi ba at nasa race track lang ako kanina?
I can't open my eyes fully pero namumulat ko ito ng konti at nakikita pa naman ang puting dingding, amoy ko rin ang nakakairitang kaya nalaman ko agad na nasa hospital nga ako. Napatingin ako sa pintuan at nakitang papasok si Neo na may hawak na bulaklak. Pero ng napatingin sya sakin para syang nabato sa kinatatayuan nya at namalikmata. I smile gently, kaya bigla nalang ay natauhan sya.
Lumapit sya sakin ng patakbo at niyakap ako. "God, I'm happy you're awake!" Mahigpit ang yakap nya.
"I can't breathe." Daing ko. Binitawan naman nya ako at sinabing tatawagin lang daw yung Doctor ko.