Chapter 13 (EDITED)

406 4 0
                                    

A Great Tease

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Neo's POV


Kada araw at linggo na lumilipas ay mas nahihirapan akong umeksena sa dalawa. Halos madalas akong pumapel sa mga lakad nila. May time na sasama ako kahit hindi imbitado o hindi kaya susunod at kunwari hindi namin sinadyang magkita doon. Dahil sa pagiging determinado ko pakiramdam ko hindi na ako yung artista na sikat sa fans. Pakiramdam ko dahil sa pambabalewala sa akin ni Brielle hindi na ako sikat. Ewan. Basta determinado ako kahit pa sabihin nilang napaka-immature ng mga trip ko.

Para akong stalker nila. Kung nasaan silang dalawa na balak magsolo nandoon ako. Parang ngayon lang. Nakatayo ako dito sa may pintuan papunta ng garden. Nakatingin sa dalawang nagtatawanan habang nakalatag ang isang checkered na mantel at may mga pagkain. Ginawa lang naman nilang park ang garden. Parang walang ibang tao. Parang sila lang ang tao sa mundo.

"Itsura mo Damien?" Nakatawang tanong ni Lucas pagkatapos silipin ang mukha ko.

"Huh? Eto mas gwapo kumpara kay Kazu." Medyo mahina at sarcastic kong sagot. Tumawa naman bigla ang loko. Akala siguro nagbibiro ako.

"Para kang stalker dyan. Alam mo dude if I were you, lumalapit na ko dyan hindi yung patingin tingin lang ako sa di kalayuan. Kasi ganito yan." Tinapik nya ang bench sa gilid ng pintuan kaya umupo naman ako sa tabi nya.

"What if sa pasimple simpleng ngitian ng dalawang yan may ibig sabihin na pala? You might not know, malay mo sila na eh kaso mapapel ka kaya di nila masabi kasi nga masasaktan ka." Tinapik nya ang balikat ko at pumunta sa may pond malapit sa kinauupuan ng dalawa. Aba ang lalaking yon pa talaga ang nagsabi sakin ng posibilidad na yon? Hindi man lang inisip ang mararamdaman ko kung tama nga sya.

Kaya ayon nga, kagaya ng sinabi ni Lucas ay sumunod nga ako at lumabas din sa garden. Para manggulo sa namumuong pagmamabutihan ng dalawa. Nakakainis lang dahil parang hangin lang ako na hindi nila pinapansin.
I fake a cough. Medyo makati ang lalamunan ko at parang may dry couch nga ako. But I just did that for her to notice me.

"May ubo ka Neo?" Tanong ni Brielle.
Nice, effective.

Umubo pa ko ulit at ginamit ang acting skills ko na ilang taon ko ng minamaster. "Oo eh." Sagot ko, medyo concerned na ewan na kasi ang mukha nya.

"Why don't you drink cough medicine? Malamig dito sa labas, pumasok ka don at uminom ka ng gamot." Hindi ko alam kung concern ba to o tinataboy lang ako.
Si Lucas naman umiiling iling lang sa gilid habang nangingiti sa parang engot na acting ko.
I wish Brielle's buying my shit.

"I don't know where it place. Can you help me find it? Please." I said in a pleading voice and a puppy eyes. Medyo nagtataka na ko kung peke pa ba ang ubo na to o hindi na. But disbelief on Kazu's face is annoying. Uupakan ko na to pag pumapel pa to sa mga hirit ko. Tumingin si Brielle kay Kazu, he nod and smile as if mentally saying.

'Yeah, go on.'

After that tumayo na si Brielle at lumapit sa akin. Hinila nya ko sa braso ko at lumingon ulit kay Kazu. "Be right back." tumingin sya sakin ulit at ngumiti but in a snarky way.

Bakit ganon?
Pagdating sa akin iba ang ugali nya samantalang kay Kazu ang bait bait nya. Napangiwi ako sa pumasok sa isip ko.

Ako lang yata ang pinakamalaking epal.
Nandito na kami sa kusina. Tahimik lang ako sa gilid habang si Brielle naman ay nagpapatulong maghanap ng gamot sa kasambahay namin. Paminsan minsan ay tumitingin ako sakanya pero pag nahuhuli nya kong nakatingin ay umiirap sya. Nawalan ako ng gana at para bang nanghina bigla. Madalas rin syang magparinig at panay ang dabog.
Nilapag nya sa harap ko ang gamot habang hawak nya ang isang basong tubig. Nakapameywang pa syang nakatitig sakin.

A Great TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon