Chapter 27 (EDITED)

343 6 0
                                    

A Great Tease

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Neo's POV

"I love you." Bulong ko sa tenga nya bago sana tuluyang lumabas ng kwarto pero napahinto ako ng marinig ko ang sagot nya na hindi ko inaasahan..

"I love you too Neo." Napalingon ako ng may ngiti sa labi, hindi makapaniwala sa narinig kaya't mabilis akong pumunta sa kama nya. Napansin kong nakapikit pa rin sya at mahimbing ang tulog, nananaginip ba ko o guni guni ko nanaman na sinabi nyang mahal nya na rin ako. Tama, baka guni guni nga lang talaga. Pero sana totoo nalang yon. Sana hindi nalang ako naghahallucinate lang. Sana totoo nalang na mahal nya na rin ako.

Lumabas ako ng kwarto nya ng nakangiti pa rin. How can I resist her kung tinutukso nya kong mahalin sya lalo. Kung nagsleep talk man sya ay atleast sa akin sya sumagot at pangalan ko ang sinabi nya. I now realized that I can even live without sex mapatunayan lang na hindi yon ang habol ko sakanya at nagsasabi ako ng totoong nararamdaman.

Nagulat ako ng makita kong nakasandal si Kazu sa gilid ng kwarto nya, magtatanong palang sana ako sa ginagawa nya roon pero.. "Aalagaan mo sana sya. Ayokong malaman na niloloko mo sya at sinasaktan dahil pag nangyari yon babawiin ko sya sayo. Agad agad. Hindi na ko na sya tatanungin pa kung anong ginawa mo, same as yours, hindi ko na rin iintindihin ang sasabihin mo at gugulpihin nalang kita kaagad." Tinapik nya ko sa balikat bago maglakad palayo sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Naguguluhan ako, sumusuko na ba sya talaga? Nagpapaubaya? Pero bakit? May the best man win ang sabi nya pero sumusuko na sya? Nilingon nya ko at ngumiti ng bahagya.

"Hindi ka naman siguro bobo para hindi mo maintindihan ang gusto kong sabihin. Tinanggap ko na. Tinatanggap ko na pagdating sayo wala akong laban sakanya. Maswerte ka, siguro nga ganyan ka kasikat dahil lahat sila nahuhulog sayo. Kung hindi ka aware. Edi sasabihin ko sayo. Sa ating dalawa ikaw ang mahal nya. Na sa ating dalawa ikaw ang pipiliin nya. Wala akong laban, dehado ako." Tumalikod ulit sya at naglakad na papasok sa kwarto nya. Ibig sabihin hindi ako naghahallucinate lang ng marinig kong mahal nya rin ako?

Malawak ang ngiti kong pinihit ang doorknob ng kwarto nya. Papasok sana ako ulit dito ng maisipan kong huwag na lang. Tulog na sya at pupwede namang ipagpabukas na ang kumpirmasyon.

Kailangan ko ring magpahinga dahil bukas na ang nakatakdang launching ng movie namin. Siguro doon nalang ako magpopropose sakanya para maging girlfriend, yeah, maybe before, during or after that movie.

Kazu's POV

Nandito ako ngayon sa office ni Dad, but apparently wala sya at si Saku ang nandito. Napag isip isip na din siguro ni Dad na bigyan sya ng chance. Nalaman ko kahapon lang dahil sa text nya na ngayon ang unang araw sa buong isang linggo na dapat syang magpakitang gilas para makuha ang tiwala ni Dad. "So anong naisipan mo my dear brother at naisipan mong dumalaw dito?" Tanong nya habang nakatingin sa laptop at nagtitipa. Bumuntong hininga ako kaya napahinto sya sa ginagawa nya at napatingin sa akin.

"What's wrong?" Itinabi nya ang laptop sa gilid at tumitig sa akin.

A Great TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon