A Great Tease
© DropdownbymygravityContinuation..
Kazu's POV
Oo, nagulat ako. Natulala, hindi nakapagsalita at halos hindi inalis ang titig sakanya. Ayon lang ang kayang ireact ng utak ko sa ngayon. Bukas sara ang bibig ko na hirap sa tamang salitang pwedeng sabihin. Totoo ba to?!
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko ng makabawi ako sa pagkagulat. Matutuwa ba ko o hindi? Bakit parang hindi ako masaya? Tumango lang sya ng dahan dahan, inalalayan sya ni Sky na makaupo sa tabi ko. "Buntis ka pala sigaw ka ng sigaw, pasaway ka." Pang aasar nya pa.
"P-paano? K-kaylan mo pa n-nalaman? I-ilang buwan na?"
"Last month. 6 weeks na ngayon.." Casual na sabi nya. Nangingilid ang luha ko. T-totoo? God, I'm going to be a father?
".. You're still doubting?" Dugtong pa nya.
"Pero s-sabi mo? Nagtetake ka ng pills? T-teka Brielle.. if you are doing this for me to marry you Brielle think! Twice, trice! Fuck think many times!" Yumuko ako at ginulo ang buhok ko. Kumunot yung noo nya na para bang naiinis sya dahil sa mga sinabi ko.
"Aalis muna kami ah. Maglalaro ng chess sa garden, usap lang kayo." Tumango nalang ako at binalik kay Brielle ang atensyon ko.
"Ayaw mo ba talaga sakin? Hindi mo ba ko mahal kaya hindi mo magawang paniwalaan yung mga sinasabi ko? Tinataboy mo ba talaga ko pabalik sakanya?" Napabuntong hininga ako sa mga tanong nya.
"It's not like that. Gusto ko lang na.. na sigurado ka sa magiging desisyon mo at mahal mo talaga ako kapag nagpakasal tayo.. kaya nga gusto ko magkita kayo to clarify things including your feelings for him. Brielle ayokong pakasalan mo ko dahil tumatakbo ka lang palayo sakanya. Kasi once na magsisi ka at narealize mong mahal mo sya there's no turning back.. ayokong may pagsisisihan ka. Ayoko na iisip isipin ko yung nararamdaman mo dahil lang may doubt pa rin ako na mahal mo pa rin sya, ayoko na papakasalan mo ko kasi naaawa ka sakin.. marriage is sacred Brielle, ginagawa lang yon ng dalawang taong nagmamahalan but what if ako lang pala yun nagmamahal, what if yung puso't isip mo sa iba pa rin.. sa kanya pa rin." I sighed deeply.
Wala syang reaction na para bang ayaw nya pang magsalita dahil gusto nya kong naglalabas ng himutok. "Brielle, I know I'm desperate at para na kong gago dahil ikaw na tong nagpopropose sakin na pakasalan ako pero ako pa tong tanggi ng tanggi. I have doubts, too many insecurities. Kasi mahal na mahal mo sya bago ka magalit sakanya, bago ka tumakbo palayo sakanya sya yung gusto mong makasama. Brielle pumayag akong maging rebound mo kasi mahal na mahal kita pero kapag nakikita kitang wala sa sarili kapag wala ako sa paligid natatakot ako.. natatakot ako na.." Hindi ko na tinapos ang gusto ko pang sabihin at yumuko nalang. Dinidisappoint ko ang sarili ko, dinadown ko ang sarili ko kahit hindi naman dapat. Normal ba to? Normal lang bang nararamdaman ko to?
"Tapos kana?" Tumingin ako sa mga mata nya. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala sya.
"Hindi ba ko pwedeng mag move on in a short span of time Kaz? Hindi mo ba naisip na naging mabilis ang lahat sa amin ni Neo kaya baka mabilis ding natapos? Na kaya mabilis rin akong makalimot.. you are right, I'm mad at him, not just mad Kaz.. I'm freaking mad but not to him but more to myself.. dahil nag doubt ako sayo. Na sya yung pinili ko kahit dapat ikaw naman talaga. Since una pa rin naman talaga ikaw na yung gusto ko. Dapat nagstick ako sa desisyon ko na ikaw ang pinili ko at hindi na nahulog sakanya.
"Brielle it's your choice to choose him. Kasi mahal mo sya. Brielle hindi mo kasi maintindihan." Napailing ako at ginulo ang buhok ko. Para bang gusto kong maniwala na ako ang mahal nya pero may parte sa puso ko na may pag-aalinlangan pa. Can you just accept her with wide arms open at huwag ka ng mag inarte pa Kazumi. Tangina minsan kalang sumaya. Minsan kalang piliin. Maging masaya kana lang at wag kana mag isip pa. Tama na. Nahihirapan kana kaya minsan naman sumaya ka.