A Great Tease
© Dropdownbymygravity
Continuation..Months after my wedding ay nagsilang na din si Zhyl ng baby nila ni Neo. A healthy baby boy named Darren Alcantara -the baby used his last name of course- that's why today dadalaw ako sa bahay nila Zhyl para tignan ang baby nya. Baptismal din kasi ni baby Darren kahapon kaya pupunta ako para magbigay ng regalong dapat ay kahapon pa, medyo malaki na ang tyan ko at kabuwanan ko na rin sa susunod na buwan pero kaya ko pa naman maglakad. Kailangan ko rin to as an exercise. I want to see his baby, their baby. Magkamukha ba talaga si Darren at Neo? Noong nakita ko kasi ang bata ay sa news lang at bagong panganak pa ito, ayaw na rin kasi ni Zhyl ng kontrobersya kaya kung maaari ay gusto nyang maging pribado na ang lahat para sakanila ng bata. Two months old na rin ang huling picture na pinakita ni Zhyl sa public mula sa instagram, ayon lang at wala ng iba. Hindi pa makita ang facial features noon ng bata pero ngayong four months na ito ay siguro makikita na kung sinong kahawig nya.
I'm just wondering. Kung totoo ngang anak yon ni Neo. Kung totoo bang sya ang ama o hindi. But it doesn't matter to me now kung oo o hindi. Gusto ko nalang talagang malaman kung sino ang kamukha ni Darren. His mom? Or his dad? O hati ba sila?
Napangiti akong hinawakan ang tyan ko. Ngayon ko lang napagtanto na kahit may nararamdaman pa ko para sakanya at nasaktan nila ko maswerte pa rin ako. I have my baby, I have Kazumi who's madly in love with me. Lalaki ang baby ko ayon sa ultrasound. Yung baby ko kaya sino ang kamukha? Ako? Si Kazu? O hati kami. Kahit sino ang kamukha sa amin ng Dad nya masaya ako. Napangiti ako. I'm so blessed, anytime soon magkakababy na rin ako. Kagaya ni Zhyl mahahawakan ko na rin ang munting mga kamay ng baby ko.
"We're here." Deklara ni Yuki ng maihinto ang sasakyan. Nagpasama ako sakanya dahil nasa opisina pa naman ang asawa ko at may mga mahalagang meetings pa. Pero by next week ay magleleave ito para masamahan na ko. Sa susunod na buwan pa ang exact date range ng panganganak ko. Parang gusto ko na tuloy manganak ngayon. Naeexcite ako sa baby ko. Naeexcite na kong hawakan sya.
Inalalayan ako ni Yuki at ng lalaking kasama nya. Well, he's into this again. He's gay again. But not for long. That's for sure. Magulo ang utak nya at dalawa ang gusto. Bisexual nga ika nga.
"Careful." Malambing na sabi nya habang inaalalayan ako papasok ng bahay. Napapout ako. He's so feminine. Pakiramdam ko babae pa sya kung umasta kaysa sa akin. Buti nalang at bumalik tong baklang to mula sa Paris ng tapos na ang stage ng paglilihi ko. Kundi.. Hays. Ayokong mapaglihihan sya.
"Hey, you're here." Bati ni Zhyl sakin. Binesohan nya ko at nginitian ko sya habang hinahaplos ang tyan ko sa ibabaw ng maternal dress ko.
"Ang laki na ng tyan mo. Let's go?" Sambit nya. Tumango ako habang naglalakad. "Kaylan ka manganganak?" Tanong nya.
"Next month kabuwanan ko na rin." Nagpaiwan si Yuki at Ryu sa garden, aniya'y gusto nyang bigyan kami ng quality time ni Zhyl. Marami syang naikwento tungkol kay Darren habang naglalakad kami papunta sa banda ng bahay kung nasaan daw ang kwarto ni Darren. Inaalalayan nya pa ko habang naglalakad papunta sa baby room.
"Hmm, Brielle?" Nilingon ko sya at nginitian.
"Dito lang muna siguro ako, okay. You can see my baby inside.. para na rin makapag usap.. hmm, kayo." Nagtaka ako sa sinabi nya. But upon seeing his back on the other side of the door naintindihan ko rin ang gustong sabihin ni Zhyl. I inhaled, I need to breathe dahil kahit kalmado ako alam ko pa rin na hindi magiging normal ang tibok ng puso ko.
"Kamusta kana?" Tanong nya sakin habang nakahawak sa crib ng baby. Nakatingin din ako sa mukha ni baby Darren na nakangiti sa akin at humahagikgik habang hawak ang daliri ng daddy nya.