A Great Tease
© DropdownbymygravityA/N: MAHABANG COMMENT PO SANA ANG HIHILINGIN KO. FEEDBACK PARA PO SA BUONG STORY. ILABAS NYO NA LAHAT NG EMOSYON NYO SA KWENTONG TO DITO SA LAST CHAPTER. AYON LANG PO HILINGIN KO. SA MGA NABWISIT, NATUWA, KINILIG, UMIYAK AT KUNG ANO ANO PA. CONGRATULATIONS THAT YOU MADE AT THIS POINT! MARAMING SALAMAT SA SUPORTA AT PAGBABASA NYO KAHIT FEELING KO WALEY ITONG AGT AT PURO NALANG BADVIBES ANG DULOT NITO. ANG SAYA KO LANG KASI NAAPPRECIATE NYO ANG STORY NA TO KAGAYA NG PAGKAAPRECIATE NYO SA YKIC. SANA MAS NATUWA KAYO SA REVISED KAYSA SA ORIGINAL VERSION NA NASA WATTPAD. KEEP READING MY STORIES! LOVE YOU! THANK YOU ULIT. PLEASE SUPPORT HARD TO GET KARMA AFTER THIS OKAY PATI NA RIN PO ANG YOU KNOW I CAN'T NA IREREPOST. THANK YOU. MWAH!
~~~~~~~~~~~~~
SPECIAL CHAPTER
~~~~~~~~~~~~~Someone will be here forever, even without their presence, they're still be here with us. They will love us still from a far. They will not forget to look for us forever from the heaven sky.
Ang sabi sa akin ng mga kaibigan ko. Nawala si Kazumi ng hindi sinasadya at hindi ginusto ni Kazu at ng kahit na sino. Nawala sya ng nakagawa sya ng maraming bagay na sobrang itetreasure ng lahat. Nakagawa sya ng mga desisyon na kahit papaano ay nakapagpasaya naman sa kanya noong mga panahong buhay pa sya.
At kami ni Fraud ang desisyong yon. Ako ang desisyon nya na sobrang nagpasaya sakanya. Si Fraud ang bunga namin na nakapagpasaya hindi lang sa kanya kung hindi sa akin rin. Ako ang dahilan ng paghaba ng buhay nya na dapat naging maikli lang. Kaya dapat imbes na magluksa ako ay dapat maging masaya ako para sakanya. Dahil masaya na sya.
Though, I can't be happy still. Sino ba naman ang magiging masaya kapag iniwan ka ng katuwang mo sa buhay? Ng taong sobrang minahal mo? Matutuwa ka ba at makakangiti ng totoo kung parati sya nalang ang nakikita at naaalala mo?
As of now. Masasabi kong hindi ko kailangan ng ibang tao sa buhay ko. I don't need someone to lean on pagdating sa pag aalaga ng sarili ko at sa anak ko. Hindi ko kailangan ng taong magpapasaya sa amin ng anak ko, hindi ko kailangan ng ibang taong mamahalin ko.
Ng mabasa ko ang sulat na ginawa ni Kazu. Nagwala ako, nagalit, umiyak. Hindi ako kumausap ng kung sino, si Fraud lang ang pinakikinggan ko at iniintindi ko. Alam kong bata pa sya pero matalino sya para sa edad nya kaya naiintindihan naman nya ako. Nasasaktan lang ako. Alam nya yon at naintindihan nya yon.
Ikaw bang ipaubaya sa ibang tao ng lalaking sobrang mahal mo hindi ka iiyak? Ikaw bang ibalik ng taong sobrang minahal mo sa taong minahal mo noon hindi ka magagalit? Wala akong ibang ginusto kung hindi ang bumalik si Kazu. Kaya ng dahil sa letter na yon umiyak ako at nagalit kay Neo. Alam kong wala naman syang kasalanan pero ang sakit para sakin na ibinabalik ako ni Kazu sakanya.
But after that dreadful and difficult year ay natanggap ko rin ng paunti unti ang pagkawala nya. Naintindihan ko na ang gusto nyang iparating sa akin sa sulat na yon. Nagets kong gusto nya lang ng ikabubuti ko at ng anak namin.
"Mom. Matagal pa ba si Daddy Neo?" Nakakunot noong tanong sa akin ng anak ko.
"Be patient." Saad ko habang inaayos ang kurbata nya. Gagraduate na sya ng elementary at ganon rin si Darren.
8 years na ang lumipas at sa 8 years na yon ay sinuyo ako ni Neo. He doesn't know about the consent letter, hindi ko sinabi yon kahit kanino. But Neo is too persistent. He do what he wants and he do what he think is right, kaya kahit sinabi kong ayaw ko ay itinuloy pa rin nya ang panliligaw nya. Nakakairita noong mga unang taon ng panliligaw nya which started 5 years ago pero kalaunan ay nasanay na rin ako sa mga ginagawa nya. Nag uumpisa nanaman akong maging dependant sa isang tao, sakanya. Nag uumpisa nanaman akong maging masaya, dahil rin sakanya. Pero natatakot pa rin ako. Natatakot ako sa mga posibilidad na kagaya ni Kazumi ay iiwan nya rin ako kaya nililimitahan ko pa rin ang sarili ko. Pero siguro ay nasabihan sya ni Kazumi ng hindi ko nalalaman. Siguro napanaginipan nya ito at sinabing wag akong susukuan.