A Great Tease
© DropdownbymygravityContinuation..
Lucas' POV
This house? Dati masaya dito. But everything changed. We're all friends, well, not everyone actually but still it has peace here bago magkaroon ng deal si Neo at Brielle tungkol sa hindi ko maintindihang bagay, tungkol kay Lish? Maayos dito at walang drama bago mag iba ang nararamdaman ni Neo kay Brielle, bago dumating si Lish, bago pag agawan si ni Neo at Kazu si Brielle, bago magkaroon ng cold war si Brielle at Lish dahil kay Neo, bago magmakaawa si Lish na sya nalang ang mahalin ni Neo at iwan nya na lang si Brielle, bago maguluhan si Brielle kung sino ba talaga, bago magpa-ubaya si Kazu, bago nagbago ang nararamdaman ni Brielle, bago nya mahalin si Neo at bago nag iba ang lahat simula ng nangyari ang lintik na deal nila.
I saw and heard everything, every happiness, every evil smirks, every hidden desires, every sorrow and every silent tears. Lahat yon nasaksihan ko sa kanilang apat, kay Brielle, kay Neo, kay Kazu at kay Lish. This house is full of dramas, pero at least may thrill hindi kagaya ngayon na sobrang tahimik na at kami nalang ni Sky ang nandito.I sighed exasperatedly. "Everything that happened under the roof of this house was priceless." Sabi ko kay Sky habang nandito kami sa living room at umiinom ng kape, napahinto sya sa paglalakad at napahawak sa baba nya.
"Kamusta na kaya sila? It's been what? Two months." Yeah, it has been two months since they're all left this house, leave us two alone with this huge boring house. Boring pero kaya pa naman kahit papaano. Maraming privacy pero malungkot pa rin.
Kung tutuusin gusto ko na rin sanang umalis dito dahil parang nakakabaliw na, tahimik. Hindi gaya ng dati.
"Wala pa bang bagong tenant?" Tanong ni Sky. "Merong atang isa." Sagot ko at nagkibit balikat. Wala akong pakielam kung meron mang bagong tenant. I just want to see new, feel some thrill and excitement what will happens next, like what happened to the four of them while they're here the past months.
"Sana babae, maganda tapos para may thrill pag agawan rin natin." Bigla naman syang tumawa sa sarili nyang biro. I smirk. Hell I won't compete with him over someone. That's too low and shit.
"You know I'm not interested, we don't have the same taste." Natawa ulit sya at nagkibit balikat.
"Well I know your type, more of Brielle's kind?" napailing sya.
Yeah, maybe if I'm that insane nakiagaw na ko para makuha si Brielle. I have this hidden desire on her. She's one of a kind. She's naive. She's full of herself. A strong woman. She's fragile and she's in between to the point that it's okay for her to stumble down para lang hindi makasakit ng iba.. pero kahit gusto ko sya, kahit parang ang sarap nyang mahalin at alagaan.. Hindi naman pupwede. Kumpara naman sa dalawang nag-aagawan sa attention nya, hangin lang ako. That's why I want her to settle with someone who deserves her the most. Someone that won't make her feel bad, someone that will love her and won't leave her that easy.
And for me? It's him whom she deserves. I just want him to realize that on it's own and will not give up on her, mahirap magsisi. Konting konti na lang naman at mamahalin na sya ni Brielle. I want him for Brielle, I just wish he will pursue her still. Dahil kung ako yon, kung ako ang may chance, lahat gagawin ko, lahat susuungin ko para lang suyuin sya at mapasakin lang ang puso nya.
Neo's POV
"Dude wala pa rin bang balita?" Tanong ko kay Sky, tumawag ako sa bahay dahil nagbabaka sakali ako. Nagbabakasaling bumalik sya doon at hanapin ako. But hell until now she's nowhere to be found.
"Sige, just let me know pag pumunta sya dyan." Pinatay ko na ang tawag at sumandal sa headboard ng kama ko. Two months at hanggang ngayon wala pa rin akong balita sakanya, nasaan na kaya sya?
Napasinghap ako. My career is a piece of crap now, pinangalagaan ko ang career ko half of my life pero nasira lang sa isang iglap.
"Damien may interview ka ngayon sa lifebuzz mamayang 3pm." Tinapik ako ni Manager sa balikat pagkatapos ay umupo sa harapan ko. Lifebuzz is a tv show na puro showbiz news ang pinag uusapan. Two months na ang nakalipas pero hanggang ngayon ayon pa rin ang issue, ako pa rin ang issue. Ayoko na nga halos lumabas ng bahay na pinagawa ko dahil sa kahihiyan, ayoko sa lahat ng mga naririnig ko pero hindi ko naman pwedeng pagsabihan sila na huminto na lang dahil alam kong hindi nila yon gagawin, wala naman silang alam at isa pa pinaniniwalaan nila kung anong gusto nila. Sinisiraan nila ko, pakiramdam ko pinandidirian din, but above all of those, mas nagagalit ako sa sarili ko dahil sa mga naririnig kong pambabastos na hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko, I can't even frown in front of everyone. Ganito pala yung feeling na maging isang public figure na nasa isang kontrobersya kagaya nito.
"Alam mo, natutuwa ako sa mga loyal fans mo. Halos makipagpatayan na sila maipagtanggol ka lang. You should at least let them know that you appreciate their concerns." Napangiti ako at napatango. Yeah, I should thank them. I should thank them for being there for me kahit ganito na ang sitwasyon ko, kahit halos itakwil na ko ng network ko at wala ng network ang gustong kumuha sa akin pero halos makipagpatayan makuha lang ang panig ng kwento ko. Maswerte ako dahil may mga loyal fans ako na kahit papano sa isang daang percentage na mga fans na meron ako noon at least meron pa rin akong twenty kahit papaano ngayon.
I didn't break the ice yet, mamaya palang. Hindi ko sinunod agad ang payo ni Lish na ayusin ang lahat simula sa career ko, inuna ko ang paghahanap kay Brielle para maexplain ko ang panig ko but it did not worked out too well, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin sya mahanap. My career? It is the only thing that matters by this moment. Ayon na lang ang pwede kong asikasuhin sa ngayon.
"Direk, tingin mo maayos pa to?" Tanong ko sa manager ko kahit alam kong baka hindi na maayos ang mga nagawa kong gusot.
"Of course Damien I have faith on you, don't loose hope. It's not as if ikaw lang ang nagkaroon ng ganitong issue. May ilang artista na mas sumikat pa dahil sa ganitong klaseng kontrobersya." Alam ko pinagagaan nya lang ang loob ko. Pero siguro nga at okay na rin to para magkaroon ako ng lakas ng loob. Hindi ko alam kung may maniniwala pa ba sa akin, sa sasabihin kong katotohanan. Sasabihin ko ang lahat kahit mapasama pa ko sa mata ng maraming tao. Kahit isipin nilang kawawa naman si Zhyl magsasalita ako. Hindi ko man malinis ang pangalan kong dinungisan nya at least kahit papaano alam ng buong bansa ang totoong nangyari, at least alam nila ang panig ko.
Sana lang mapanood ni Brielle tong interview kung nasaan man sya. Sana bumalik na sya at kausapin na ko. Sana by that moment mahal nya pa ko at bumalik pa sya sakin.. at sana matanggap nya pa rin ako.
--
To be continued..