A Great Tease
© Dropdownbymygravity
Continuation..
Kazu's POV
She cried herself to sleep, she's crying last night all over him again, all over things that she had made up herself.
Wala naman akong magagawa. Ako lang yung nandyan parati para sakanya. Ako lang yung sandalan nya pag nasasaktan na sya at gusto nya ng umiyak dahil sa sakit ng katangahan nya. Kaya kahit naiinis na ko dahil sa katangahang ginagawa nya sa sarili nya, hindi ako aalis sa tabi nya. Bestfriend nya nga ako di ba?
I love her. Hindi ko nga lang alam kung anong pagmamahal ba tong nararamdaman ko para sakanya.
Hindi ko alam kung mabuti pa ba tong pagmamahal na to o katangahan na. She's in love with Neo not with me. Awful right?
We're now here at the exclusive party that my dad throw for himself. Birthday nya kaya gusto nyang nandito rin akong unico hijo nya.
"I'm glad sinamahan mo ko. You know how I hate to be in this kind of party." Nakangiti kong sabi kay Lish.
All cameras are on us. On me and Lish. Some of them asking things about us but I'm just answering it with a smile and silence, ganoon din sya. Tahimik lang kaya minsan ay maraming naibabatong masasakit na salita. Hindi kasi lumalaban. Kahit kasi umamin ka o hindi sa isang bagay na itanong nila may sasabihin pa rin ang mga taong tsismis lang ang alam. Lish is not an actress but because of her model career and her past relationship with Neo mas naging kilala pa sya dito sa Pilipinas.
Neo is some sort of a high class actor here kaya kahit sinong madikit sakanya nagkakaroon talaga ng issue, maraming magagalit na fans pero walang magawa dahil nga sikat sya. Kaya kung maraming fans na nakuha si Lish dahil kay Neo mas madami naman ang nadagdag na haters at bashers sakanya ng makipaghiwalay sya dito.
Don't get me wrong. I'm not into that showbiz bullshits but because she's Lish ex-boyfriend nagkaroon ako ng interes na kilalanin sya. Hindi sya ganon kasama at kayabang katulad ng inaasahan ko pero hindi ko rin masasabing magkaibigan kami na sobrang malapit kahit nasa loob lang kami ng isang bahay.
"Ayoko din naman magstay sa bahay. Seeing Brielle and Neo? I just rather be bored to death than to see how sweet they are." May bahid ng pagiging bitter ang boses nya pero hindi ko nalang iyon pinansin pa.
People just appreciate the value of something or someone when they don't have it anymore.
And one of those people is Lish.
"They're together?" Tanong ko. I shouldn't be surprised but I have this feeling that they're just together because Neo wants to use Brielle to catch Lish attention. At kung tama ang mga akala ko, he's lucky. Gumagana ang ginagawa nya. Dahil kung sila ngang talaga, hindi ko madalas makakasama si Brielle sa basement at hindi sya papayag sa mga ginagawa ko sakanya. Unless niloloko nya si Neo. But I doubt it.
"They're a perfect match." Sabi ko at pinigilan na ang kamay nya sa pagkuha ng bagong wine glass mula sa lumilibot na waiter. She's drinking too much.
Umirap sya sa akin na ikinangiti ko. How I wish I have her full attention. Not a bestfriend nor a rebound fake boyfriend but someone she love.
"I hate you Kazu." Pinagkrus nya ang mga braso nya at nagpout na parang bata.
"You know what Alisha? Hindi mo dapat iniiwan ang mga taong hindi mo naman kayang mawala sa buhay mo. If he's really serious with Brielle, it's your lose. Pinakawalan mo sya kaya hindi mo kailangan mainis sa kahit sino man sa kanila, hindi ka rin dapat mainis sa akin dahil totoo naman ang sinasabi ko. At least nagsasabi ako ng totoo." Tungga ko sa wine na hawak ko.
I rather hurt her with the truth than comfort her with lies.
Baka mauntog sya at marealize na nandito lang ako para sakanya.
Tinitigan nya ko sandali, ngumiti sya pero kasabay non ang biglaang pagtulo ng luha nya. Hindi ko napigilan ang kamay nya sa pagkuha ng panibagong wine glass at pagtungga nya dito, sinamaan ko ng tingin ang waiter na nagsorry at sinabing hindi na sya dadaan sa banda namin. Tinapik ko ang likod nya at hinalikan ang pisngi nyang basa na sa luha.
"Sana man lang magsinungaling ka paminsan. Para kang nanampal eh, sakit non ah." Hagulgol nya. Pinunasan ko ng panyo ang pisngi nya at kinayag sya sa may veranda.
"Ang sakit sakit kaya.." Daing nya pa habang tumutungga ng panibagong wine. If she passed out here hindi ko na talaga alam ang gagawin sakanya.
"Sige iiyak mo lang. Nandito lang ako. Kahit nakakasawa ng parati akong nasa tabi mo pero iba nakikita mo, nandito lang ako." Mahinang sabi ko.
Nilingon nya ko at tinanong kung anong sinabi ko pero umiling lang ako at ngumiti.
Nakakasawa, oo, pero mahal ko sya, hindi ko nga lang alam kung anong klaseng pagmamahal to. Pero kahit ano man tong nararamdaman ko? Hindi ako pwedeng mawala sa tabi ni Lish.Neo's POV
Unti unti kong dinilat ang mata ko. Mainit at mabigat ang nakapatong dibdib ko. Ng ibaba ko ang tingin ko ay nakita kong nakahiga si Brielle sa ibabaw ko. Nag ayos ako ng unan sa gilid ko at dahan dahang gumalaw para ihiga sya ng maayos.
Tumingin ako panandalian sa maamo nyang mukha at inayos sa gilid ng tenga nya ang nakatabon nyang buhok sa buong mukha nya. I can't help but to admire her beautiful face. Hindi sa ngayon ko lang narealize na maganda sya pero dahil ngayon ko lang narealize na mas attractive pala sya lalo na pag sa malapitan.
Inayos ko ang kumot nya at hinalikan sya sa noo. Lalabas na sana ako ng kwarto pero napalingon ulit ako sakanya at sa study table ko kung nasaan nakaupo kanina si Brielle ng pumasok ako dito sa kwarto, kada papasok ako dito sa kwarto ko nakaupo sya dito. May apat na araw na syang ganon.
Lumapit ako sa table at sinilip kung ano ba ang nandoon at ginagawa nya kada papasok ako.
Design? A house design. An interior one.
Tinignan kong mabuti ang description na nakalagay sa isang papel na nakadikit sa styrofoam para sa mga notes.
Tumingin ako sa babaeng mahimbing na natutulog sa kama ko at napagdesisyunan kong umupo sa swivel chair.
Mabilis lang naman siguro to at hindi ako malelate sa shooting.
Wala pang trenta minutos ay natapos ko na ang pagdodrawing ng mga pangunahin at importanteng detalye. Tumayo ako at tinapat sa ilaw ang malaking drawing plate na para bang sinusuri kung maayos ba ang pagkakagawa ko, nag unat unat ako at tumingin ulit sakanya. Finishing touch nalang ang kulang. Ihahighlight nya nalang ang mga kailangan at tapos na. Nakatulong ang pagiging Fine Arts student ko kahit papano.
Nice Neo. One point. Great job.
Bago ako pumunta ng bathroom ay nag-iwan ako ng isang note sa ibabaw ng design nya. Tumingin ulit ako sakanya at nangiti na parang baliw dahil sa hindi mawaring pakiramdam.
Mabilis akong nag ayos ng sarili at humalik sa labi nya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. I need to be at the location exactly 6am, may dalawang oras ang byahe idagdag ang traffic kung meron man at makakarating ako doon ng eksakto.
I just hope Zhyl will not act strange again when I get there. Nalaman kong nagbreak sila ng non showbiz boyfriend nya kamakailan lang pero ni minsan ay hindi ko sya nakitang umiyak kahit isang beses, ni hindi sya malungkot. Panay ang ngiti at tingin nya sakin na parang may ibig sabihin at panay rin ang warning sa akin ng manager kong direktor na wag ko syang patulan kung ayaw ko ng gulo at eskandalo.
She's too desperate to get my attention, I guess, I mean I know.
Dapat by the passed days ay alam nya na tatanggihan ko sya ng paulit ulit at hindi papansinin kung ganoon parati ang gagawin nya.
Ayoko sa mga babaeng desperada at nakakasakal.
Umupo ako sa hagdanan at isninoot ang rubber shoes mula sa iniindorse kong produkto. Bumaba ako sa kitchen at nakita sila Sky at Lish na naghahanda ng kanya kanya nilang breakfast.
"Morning." Bati ni Sky sa akin. Tumango ako sakanya at sinabing maaga ang shoot ko kaya ako maagang nagising. Tinanguan nya lang ako habang ako naman ay naglalagay kape sa steel tumblr ko.
"Omg! Omg! Omg! Thank you so much!" Mahinang tili ng babaeng iniwan ko lang kanina sa kwarto. Hindi ako lumingon sakanya pero naramdaman ko agad ang yakap nya sa akin mula sa likod. Natawa ako bago humarap sakanya.
"No problem beautiful." Halik ko sa buhok nya. Tumingala sya sa akin at ngumiti ng malapad bago ako halikan sa labi.
I wonder if she's just doing this to thank me or because Lish is just around. But whatever her reason is, masaya ako sa naging reaksyon nya sa ginawa ko.
Top score Neo!
"Hirap na hirap akong tapusin yan, ilang araw ko ng tinititigan yan baka sakaling matapos, ikaw lang pala makakatulong sakin. Thank you talaga. Deadline na to bukas eh. Thank you talaga." Niyakap nya ulit ako at ang ubo nalang ni Sky ang nagpahiwalay sa amin. Nakita ko ang mabilis na pag alis ni Lish sa kusina, ang pagtama ng mata nya sa akin pati na rin ang mabilis nyang pag iwas ng tingin ng mahuli ko syang nakatingin.
Lish is finally letting me see that she's affected. But I think I finally feeling off about my feelings for her. Narirealize ko ng kung gusto nyang magsisi hindi ko na kailangan humanap ng kukunchabahin ko para makita ang reaksyong gusto kong makita. Narealize ko na kung gusto at mahal nya pa talaga ako, hindi nya matitiis ang ilang buwan na wala ako sakanya.
And I think I'm finally realizing that I'm already having something for Brielle. I guess. But I hope not.
I know this isn't anything close to reality but I'm starting to like her more than a friend. This is insane I know. One week palang ang nakakalipas pero nararamdaman ko na to. But I'm hoping, that maybe, she's starting to feel the same feeling that I'm feeling for her.
Even I don't want to turn the tables against me, I also happened to want her fall for me. Too.--
To be continued..