A Great Tease
© DropdownbymygravityContinuation..
Ddbmg's (Narrator's) POV
Magmula ng umalis si Brielle at Kazu dahil sa gulo ng pagdating ni Neo sa bahay ay hindi pa rin nila nagagawang mag usap. Siguro ay dahil na rin sa mga rebelasyong nalaman nila. Brielle is still hoping but that hope just got vanished the moment na nalaman nya na nabuntis ni Neo si Zhyl, oo't indenial sya, paulit ulit nyang sinasabing hindi nya na mahal si Neo at naibaling nya na ang lahat lahat kay Kazu pero hindi iyon ang totoo, dahil ang totoo nyan nasasaktan sya. Nasaktan syang makitang nasaktan si Neo. Masakit para sakanyang saktan ito. But Zhyl being pregnant? Sampal na nga sakanya ang malamang may nangyari sa dalawa months ago with such i love yous. Pero ang malaman pa na nagbungga ang kalokohan ni Neo? Para na rin syang sinapak ng sobrang lakas. Akala nya nagbago na si Neo dahil sa pag iyak nito. Hindi pa rin pala. Muntik na syang maniwala. Muntik na syang bumigay. Mabuti nalang at hindi.
"That's bullshit!" Nahampas ni Kazu ang manibela. Kanina pa sila naka park sa tapat ng bahay ni Kazumi, malapit na rin mag umaga, pero hindi pa rin sila bumababa, nagpapakiramdaman pa rin silang dalawa.
"With all these insecurities pati tong pakiramdam ko na mali ang ako ang pakasalan mo. Peste maling mali akong inisip ko yon." Nakatitig lang sya sa nag aalburotong lalaki na nakaupo sa driver seat. Nag iigting ang panga nito, nakakuyom ang mga kamao at nanlilisik ang mga mata.
"Kazumi." Hinawakan nya ito sa braso para kumalma but it's no use. Nanggagalaiti pa rin si Kazu. Hindi alam ni Brielle kung ano bang nasa utak ni Kazu, mahal sya nito at dapat masaya sya pero hindi nya maintindihan kung bakit ganon nalang ang bawat reaksyon nito.
"No Brielle, di ba mahal mo pa sya?" Nangingilid ang luha ni Kazumi, para na rin nyang sinaksak ang sarili nya sa sarili nyang tanong kay Brielle pero ano pa nga ba? Sanay na rin naman syang masaktan ng paulit ulit. Parati naman syang nasasaktan ng dahil sa babaeng mahal nya, lalo na kay Brielle. Kada araw ay nasasaktan sya dito.
"No." Simpleng sagot ni Brielle.
"No! You still love him, don't deny it." Napasinghap sya. Alam nyang nasasaktan si Kazu sa mga sinasabi and she don't want her man to feel that way. Hindi nya na ito dadagdagan pa. Kahit ba gustuhin nyang umiyak sa mga nalaman hindi nya maramdaman ang sariling luhang bumabagsak sa pisngi nya. Namanhid na siguro sya sa panahong umalis sya ng bansa.
"Kazumi I'm over him. Wag ka naman ganyan, sinasaktan mo yung sarili mo, stop it. Hindi ko alam kung tama bang naiinsecure ka eh.. Don't you see it as a sign? Kasi kung ikaw hindi, ako oo. Kazumi masakit na kasi eh, pushing me to be with him again is nonsense. Hindi mo ba nakikita? Neo and I are not meant to be, 'coz we are." Hinawakan nya ang kamay ni Kazumi at nilagay sa sarili nyang pinsgi. "Ikaw mahal mo ba talaga ko? Kasi kung oo, hihinto kana sa pagsasabi ng mga bagay tungkol sakanya. Magkakaanak na tayo. Ganoon din siya sa iba. Mahal ko man sya o hindi na, hindi na kami pwede. Ikaw na yung mahalaga sakin tsaka yung baby." Nilapat nya ang katawan kay Kazumi. Niyakap ng mahigpit sinusubukan itong pakalmahin.
"And this bump on my tummy? Kazumi sayo to. Satin to. Gusto mo bang maging komplikado ang lahat para sa kanya dahil lang nagdadoubt ka sa nararamdaman ko para sayo?" Nakangiti si Kazu habang tahimik na umiiyak.
"Kasi gusto ko wala kang pagsisisihan." Ika nya pa.
"Choosing and marrying him over you is a regret Kazumi. It's not just about the baby, it's about you.. and me."
"I love you Brielle." Hindi sumagot si Brielle sa sinabi nya instead ay hinalikan nya si Kazu sa labi.
"Mas mahihirapan kalang kasi.. pero sige. Hindi na. Titigil na ko. Hahayaan ko nalang lahat at hindi na mag iisip ng kung ano ano." Ngumiti si Brielle dito. 'Tama naman ako? Hindi ba?' Tanong ni Brielle sa sarili nya. Tama naman siguro na ibaling nya nalang ang natitirang 30 percent ng nararamdaman nya kay Kazumi, tutal ay 70 percent na rin naman ang nabigay nya dito. Mag kakaanak na rin naman sila kaya hindi na dapat sya mag hesitate sa pagpapakasal.
~~
Kinabukasan ay napagpasyahan ni Neo na puntahan ang isang interview kung nasaan si Zhyl. Kailangan nyang komprontahin si Zhyl tungkol sa rebelasyon nito at gusto nyang kumpirmahin kung totoo ba ang lahat ng sinabi nito o hindi. Pinagtitinginan sya ng lahat ng tao habang naglalakad sa hallway, it's like as if pumunta sya doon para mangbugbog at mambulyaw ng kahit na sino. Napadaan sya sa isang dressing room kung nasaan si Zhyl kaya't pumasok sya doon at biglaang hinila si Zhyl patayo. Pumapalag pa si Zhyl but when she knew that it's Neo who's pulling her up nagpatianod nalang sya at sinabi sa mga nakakasalubong nila na 'Everything is okay. Let him.' Nakarating sila sa kotse at agad nyang pinapasok sa passenger seat si Zhyl at sya naman sa driver seat."Now explain! Tangina naman Zhyl hindi ka pa ba nasiyahan na sinira mo na ang career ko?! Pati ba naman kami ni Brielle sinira mo? Tangina sirang sira na kami! Inaayos ko nalang! Putangina you not did it once but fucking twice. Ano ba talagang gusto mo!?" Nag aalab na sa galit ang mga mata ng tinignan nya si Zhyl na nakatingin sa labas ng bintana.
"I told you. I'll be back for revenge. Sisirain ko ang buhay mo." Cool na sabi nito, parang hindi natatakot sa naghehisterical na katabi.
"Putangina Zhyl! Ano fake pati yang pagbubuntis mo?" Pinakita naman ni Zhyl ang tyan nya sa hindi naniniwalang si Neo.
"This baby is yours. When we had sex that night, you didn't use any protection and I'm fertile that day kaya siguro madaling nabuo. Kung tutuusin hindi ikaw ang dapat nagagalit, fuck you! You made me pregnant tingin mo ginusto ko to, yeah right, I seduced you dahil gusto kong mapunta ka sakin, but you're too cruel na pinagtabuyan mo ko. Dapat ako ang magalit Neo dapat ako ang nag rereact ng ganyan, hindi ikaw! Dahil sating dalawa ako ang naagrabyado! Ako ang nabuntis! Ako ang hindi mo papanagutan! Putangina mo rin pero gago ka wala kang karapatan!" Hinawakan nya ang tyan nya habang sumisinghap pinipigilan nyang wag lumabas ang mga luha nya dahil ayaw nyang umiyak sa harap ng lalaki. Masama rin ito sa pinagbubuntis.
"Damn! Bakit ngayon lang! Bakit ngayon mo lang sinabi kung akin talaga yan?!" Maraming gumugulo sa isip ni Neo. Kung ano ba talagang nangyari nung gabi na yon? Kung bakit hindi nito sinabi sakanya ang pagbubuntis kaagad? Bakit sinira nito ang career nya pati ang sariling career? Bakit ngayon lang sya sumulpot para sabihin sa buong Pilipinas na buntis sya? Bakit nauna pang malaman ng iba kaysa sa kanya? At ano ba talaga ang plano nya kung bakit ginagawa nya to? And lastly, kung sakanya ba talaga ang batang pinagbubuntis nito o balak lang talaga nitong sirain ang career nya na sira na ilang buwan na ang nakakaraan.
"Damn it!" Napahampas sya sa manibela.
"Zhyl sirang sira na ko, sa mata ng mga fans ko, sa network, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, lalo na kay Brielle. Bakit mo ba to ginagawa?" Napatingala sya. Hindi nya na mapigilan ang sariling hindi maiyak. Nung nagbalik si Brielle inakala nyang magiging maayos na ang lahat, he even hope and thought that Brielle will going to forgive him at hindi na sya nito iiwan, kaya gumuho nalang ang mundo nya sa mga expectations na inisip nya, dahil bumalik to para pasakitan lang sya lalo. But then he don't loose his hopes, he didn't loose his grip, kukumbinsihin nya si Brielle para sana sya ang piliin nito at hindi si Kazumi. Pero dahil sa pagbalik ni Zhyl, sa eksenang ginawa nya nagbago nanaman ang lahat. Gumulo pa lalo ang gulong ginawa nya.
"Zhyl naman eh." Nanghihina na sya. Pakiramdam nya gusto nya nalang mamatay dahil sa halo halong sakit na nararanasan nya.
"It's not my fault. It's yours.. Pwede na ba kong lumabas? May interview pa kasi ako and I'll will also tell everyone that you want this baby to die. That you want an abortion." Nag smirk pa sya na lalong kinagalit ni Neo, hinawakan nya sa braso si Zhyl at hinarap sa kanya. "Sinungaling ka!" Parang baliw na tumawa si Zhy, gusto nya lang na ifrustrate lalo ito. "You know that, and all of their sympathy will be mine. Even Brielle. She will hate you big time."
"Sige ipaabort mo! Tangina kung akin nga yan at gusto mong panagutan ko hindi mo dapat sinasabi sakin yan. God hindi ko nga alam kung nakikipag sex ka sa kung kani kanino pa eh!"
--
To be continued..