A Great Tease
© DropdownbymygravityContinuation..
Lucas' POV
"Drama scandal nanaman." Naiiling nalang ako habang nakatutok sa panunuod sa TV. Another drama showbiz news about Neo. But today is different because now it's with Brielle.
"Hindi ko akalain na desperado na talaga sya." Naiiling iling rin na sabi ni Sky. Tinanguan ko sya bilang pagsang ayon.
"Kilala nyo sa personal yang nasa news?" Tanong ng bagong border namin.
"Dating border yan dito, doon sa kwarto mo. Grabe noh? Parang eksena sa movie?" Baling sa akin ni Sky. Kung hindi lang lalaki ang tingin namin kay George iisipin ko may gusto si Sky dito. Nanunuod kami ng balita, hindi ko inasahan na yung lasingero na iniwan ko sa holy bar kagabi ay mababalita na kaagad. Naaawa ako pero.. ewan. Parang hindi ko rin magawang maawa ng sobra.
May kumukuha ng video sa pag uusap na ginagawa nila sa isang restaurant, nagsimula yung video sa pagdating ni Brielle hanggang sa nag walkout ito. Mahina ang boses nila sa video dala na rin ng kalayuan. Paminsan minsang maririnig na may sinasabi silang pasigaw. "Nakabalik na pala sya. Tagal nya ring nawala. Laki ng pinagbago nya." Komento ulit ni Sky. Tinanguan ko sya. Medyo tumaba sya.
"Kilala nyo rin si Brielle? Sya yung beauty queen, hindi ba?" Tanong nanaman nitong si Georgia. Pero George daw ang itawag namin sakanya kasi ang panget ng Georgia.. parang tunog aso daw. Maganda nga pero hindi naman namin pwedeng pag-agawan kagaya ng biro ni Sky nung nakaraan.
"Yup, taga dito din sya dati. Doon sa kwarto katabi ng kwarto ko." Sagot ulit ni Sky.
"Nakakaawa naman yang si Neo." Puna pa ni Georgia. She's one of the boys, literally. Napakaganda sobra pero namali ata ng gender dahil lalaking lalaki umasta at manamit.
"Oy Dude!" Nagulantang si Sky ng makita si Kazumi na nasa pintuan, pero ako? Parang inaasahan na ang pagsulpot nya, wala yata talaga akong gulat sa katawan "Welcome pa ba ko dito?" Tanong nya habang nagkakamot ng ulo.
"Oo naman! Ikaw pa." Sagot naming sabay ni Sky.
"Border din yan dito kalove triangle ni Neo at Brielle." Bulong ni Sky kay Georgia, dapat bang idetalye pa yon? Tumango lang si Georgia sakanya, samantalang si Kazu naman ay umupo sa single seater couch na kaharap ng inuupuan namin.
"Tagal mong nawala ah?" Tanong ni Sky habang ngumunguya, inalok naman nya si Kazu sa kinakain pero tumanggi ito.
"Madami lang inaasikaso." Kibit balikat nya.
"Balita na sa news na magpapakasal daw si Brielle sayo ah? Totoo ba?" Tanong ko. Tumango lang sya pero umiling din kaagad. "Hindi ako sigurado, ayokong umasa so.. hintayin nyo nalang siguro yung invitation o yung mismong araw ng kasal." Lumaki ang mata ni Sky at napaayos ng upo. "Ibig sabihin totoo talaga yung sinabi nya sa news? Pero bakit hindi ka sigurado? Teka, ikaw ba nagpropose?" Sunod sunod na tanong ni Skyler. Tumawa naman si Kazu, tawa na hindi umaabot sa mata. Tawang.. malungkot at parang maraming iniisip.
"Sya nagyaya, pero ewan ko.. hindi ko masabi kung sakin nga sya magpapakasal, hindi pa sya nagpapakita sakin pagkatapos nung pagkikita nila kanina eh." Napabuntong hininga sya. Maybe because of his own sort of disappointment and doubts. Hindi ko maintindihan kung ano pang kinakatakot nya. Nasa kanya ang taong mahal nya. Dati naman malakas ang confidence nya sa lahat ng bagay pero bakit ngayon nawala yata?
"Wala ka bang tiwala sakanya?" Tanong ni Skyler.
"Meron, pero sa pagmamahal nya w-wala. Tingin nyo ba ganon nalang kadali mamawala yung.. yung pagmamahal nya kay Neo?" Lumapit ako sakanya at tinapik ang likod nya.