A Great Tease
© DropdownbymygravityContinuation..
Neo's POV
Pagsisisi. Ayon lang ang tanging nararamdaman ko. Bakit ba nagkaganito ang lahat?! "Sorry manager, sorry kung lahat kayo nagkakagulo ng dahil sa mga ginagawa ni Zhyl." Napabuntong hininga ako habang kausap si Manager sa cellphone, tumawag sya para kamustahin ang kalagayan ko. I know hindi sya kagaya ng iba na huhusgahan ako because he know me too well para dagdagan pa ang mga sama ng loob na nararamdaman ko.
"That's okay Neo. Pwede akong magset ng interview para sa mga isasagot mo sa mga sinabi ni Zhyl? You need to defend yourself from all her accusations." Napailing ako kahit alam ko naman na hindi nya yon nakikita.
"Wag na manager, wala rin namang maniniwala sakin.." Mapasinghap ako. "..mapupurol ang utak ng mga tao manager, masakit sila tumingin at magsalita, wala silang alam kaya hinuhusgahan nila ko kaagad at masakit yon. It's too much manager, sobra na to. Kahihiyan ko, ng pamilya ko at ikaw. Ayoko ng dagdagan ang sasabihin ko kung hindi rin naman sila maniniwala."
"Don't say that, I know hindi mo ginusto ang mga nangyari. Pwede mo pang maayos ang lahat Neo, you can earn their trust again." Napangiwi ako at nilaro ang yelo sa shot glass na hawak.
"Manager flop ang last movie ko. Do you think makakabangon pa ko sa lahat ng iskandalong nangyari? And I don't need their trust back, j-just Brielle's trust. Bye." In-off ko na ang phone ko at sumandal sa headrest ng couch. Pumasok si Sky at tinungga ang laman ng basong nakalapag sa harapan nya. "Tapos na ang gig?" Tanong ko. Tumango lang sya at tumingala.
"Problema mo?" Tanong ko.
"Wala nakakapagsisi lang."
"Nakakapagsisi talaga." Segunda ko kahit hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin nya. Pakiramdam ko lahat nalang ng naririnig ko may koneksyon sa nararamdaman ko.
"Tandaan mo Neo na ang pagsisisi at panghihiyang laging nasa huli parati. Never mong mararamdaman yan sa umpisa at gitna.. palaging sa huli." Napailing nalang ako. "Alam ko hindi mo na kailangang ipamukha Skyler." Sabay tawa ko para pagaanin ang atmosphere sa loob nitong VIP room. Nandito ako para umiwas sa mga masasamang tingin sakin ng mga tao.
"Gago applicable sa lahat tao yon hindi lang sayo." Natawa naman ako sa sinabi nya, bakit nga ba ko tinatamaan. Siguro ay dahil nga ganoon din ako. Nagsisisi at nanghihinayang kung kelan nangyari na ang lahat. Kung kaylan tapos na.
Pumunta ako dito para makapaglabas ng sama ng loob kay Skyler minsan kasi wala nalang akong maisip gawin kung hindi ang mag suicide na para matapos na ang lahat.
"Masama ba kong tao Sky?" Umiling naman sya.
"Eh, bakit ganito yung mga nangyayari sakin?"
".. Bakit kaya ganon si Zhyl? Di ko naman kasi sinasadya yon eh, akala ko once na may mangyari samin tapos na, tatantanan nya na ko. Hindi ko alam na ganon pala sya. Na magseseryoso sya. Tapos ako pa daw yung tatay nung dinadala nya. Ayokong maniwala eh. Pakiramdam ko nanggagago lang sya at gusto lang talaga nyang gumanti sakin. Pero ewan ko.."
"Tatanggapin mo ba yung bata kung sayo yon?" Tanong nya sakin.
"Oo, nandun na eh. Tsaka hindi kasalanan ng bata kung galit ako. Ang sama ko naman kung hindi ko tatanggapin dahil lang inayawan na ko ni Brielle. After all anak ko naman yon. K-kung akin nga yon." Napabuntong hininga ako at napailing.
"Sana hindi na ko nahulog kay Brielle. Tangina naman kasi eh."
"Dude hindi ka naman aware na mahuhulog ka sakanya, hindi din nya alam na magkakaganito kayo. Hindi kasalanan ng kahit sino yung mga nangyari sainyo. Tingin mo kung hindi mo di-nare si Brielle hindi mangyayari ang lahat? Alam mo dude kung hindi man si Brielle yung dahilan baka iba ang nangyari baka mas naging komplikado pa." Siguro nga pero.. "Alam mo dude, pagkakataon lang talaga yung mali. Like what you had said nag benefits kayo ni Brielle sa isa't isa. Tingin mo ba ikaw lang ang miserable? Hindi. Kasi lahat ng involved sa sainyo miserable, si Lish, si Zhyl, si Kazu. Malay ba ni Lish na ganon ang mangyayari? Malay ba ni Lish na sya ang dahilan kung bakit kayo nagkaroon ng relasyon ni Brielle, malay ba ni Kazumi na sya ang dahilan kung bakit pumayag si Brielle? Malay ba ni Zhyl na hindi mo sya seseryosohin? You can't blame anyone Neo. Mahirap manisi ng kung sino sino dahil lang sa miserable ka, kasi hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam o nakakaisip ng ganyan. Sila rin."