Chapter 30 (EDITED)

315 7 0
                                    

A Great Tease
© Dropdownbymygravity

Continuation..

Neo's POV

Putanginang buhay to. Bakit kaya nagkandaleche leche ng ganito!

It's been three days since that incident happened at hanggang ngayon wala pa rin akong kwenta, wala akong ginagawa para maayos ang mga nasira na. Nandito lang ako sa kwarto ko simula kahapon at naglalasing, sinusubukang makalimot at nagbabaka sakaling joke lang ang lahat ng nangyayari sa buhay ko, iniisip na baka bangungot din to at magigising din ako.

Zhyl set me up, frame me up at kung ano ano pang tawag sa ginawa nya. I don't even know kung paano nya nagawang isacrifice ang sarili nyang career para lang maging ganito ako, para lang masira nya ko sa lahat ng tao at para masira nya kami ni Brielle ng ganito. Damn her! Dahil din sakanya kaya ang daming nakaabang press sa akin sa labas. Pero wala akong pakielam doon kung tutuusin, gumawa sila ng kwento, palalain nila ang mga kwentong alam nila wala akong pakielam, gumawa sila ng sariling version nila, sirain pa nila ko ng siraan, wala na kong pakielam dahil sirang sira na rin naman ako sa mata ng mga tao. Kaya ano pa bang dapat ikatakot ko?

What I'm concerned about is Brielle. I been trying to call her for God knows how many times pero tinapon nya na ata ang cellphone nya dahil operator na lang ang parating sumasagot sa akin, sigurado akong galit na galit na talaga sya sakin ngayon. Sirang sira na ko sakanya ngayon!

Bullshit!

Binato ko ang bote ng whisky na hawak ko sa pader dahilan para mabasag ito at magkalat ang mga bubog. Wala akong kwenta! Napakawalang kwenta ko, bwisit na buhay talaga to. Bakit hindi nalang ako mamatay?

Dumeretso ako sa bathroom para magshower kahit susuray suray ang paglakad ko at nagkakanda dapa na. I take off all my clothes at dumeretso sa shower, binuksan ko ang shower at sumandal sa tiles na pader para makayanan ko ang sarili bigat ko, hinayaan kong mabasa ako ng malamig na tubig na nagmumula sa shower, baka sakaling magising na ko. Hindi ba pwedeng mamatay nalang ako kaagad at wag ng pahirapan pa ng ganito? Wala na kong ibang nagagawa kundi ang umiyak nalang, magwala at tumunganga? Pagod na ko. Pagod na pagod na. Paano pa ko lalaban kung hindi ko kaya? Paano pa ko lalaban kung alam ko naman na baka wala lang akong mapala at hindi lang ako pakikinggan pa?

Nasuntok ko ang kamay ko sa tiles na pader, pero walang epekto, hindi naman ako nasaktan at dumugo lang ang kamao ko, inuntog ko rin ang ulo ko pero wala talagang epekto, mas masakit pa rin talaga yung nararamdamang sakit nitong dibdib ko.

Lish's POV

Umuwi ako agad ng malaman ko ang nangyari kay Neo last three days. I need to stay to Singapore for a week pero hindi ko na natiis kaya napauwi ako ng wala sa oras kahit may isa pang ramp na nakaline up sa akin. Maiintindihan naman nila ako. Damn sana nga maintindihan nila.

I'm too concern about Neo's situation now. Dumating ako sa bahay at nakita si Sky na nakaupo sa couch habang naka-akbay sa isang babae. Sana nandito nga si Neo at wala sa mga lugar na wala naman dapat sya. "Sky nandyan ba si Neo?" Bungad kong tanong paglapat ng paa ko sa doorstep ng bahay.

"Oy, kakauwi mo lang? Si Neo? Tingin ko nasa kwarto nya lang sya. Simula kahapon noong umuwi sya hindi na sya lumabas eh." Nagpasalamat ako sakanya at naglakad na paakyat. Pumunta muna ko sa kwarto ko at inilapag ang maletang dala ko, everything is a mess for him, I know what he feels, hindi ko man napagdaanan ang ganito, for sure nahihirapan sya dahil na rin sa kontrobersyang lumabas patungkol sakanya. That Zhyl! She's a fucking bitch, akala ko pa naman mabait sya dahil maamo ang mukha nya at mukhang wala syang kayang gawin kung hindi ang makipagplastikan pero sya pa tong nagpasama kay Neo, pag nakita ko talaga yang Zhyl na yan yari talaga sakin yan.

A Great TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon