A Great Tease
© DropdownbymygravityContinuation..
Brielle's POV
Nagising ako ng may ngiti sa labi. Parang nababaliw lang ang dating ko pero ang saya lang dahil nanaginip ako na nagsabi si Neo sa akin ng 'I love you' then I finally said 'I love you too' kaya parang nakakaganda lang ng mood, ito na rin kasi ang araw kung kaylan ko aaminin kay Neo ang totoong nararamdaman ko. Kung kaylan ko sasabihin sa kanya na sya ang pinipili ko at pwede nya na kong maging girlfriend dahil sya ang mahal ko.
Nakahiga pa rin ako at nakatitig sa kisame ng kwarto, tinatamad pa kong bumangon kung tutuusin, iniisip ko pa rin kasi ang sasabihin ko kay Neo mamaya. Will I do this dramatically or in a bliss? Pero ng tumingin ako sa wall clock ay nakita ko na rin na kailangan ko ng mag ayos kaya bumangon na ako. Nakita ko ang isang shoe box at mahabang box na nasa ibaba ng kama ko. May nakaipit na note dito na kinuha ko naman para basahin.
Brielle,
I want you to wear this, I know you're gorgeous enough, but I want you to stand out than anyone else who's there. I want you to know that I love you.- Neo
Napangiti ako, napaisip. I'm not even part of the movie pero kailangan kong maging angat kaysa sa iba? At ang sinabi nya? Feeling ko hindi pa man kami nagiging exclusive may commitment na agad kami. Ang sarap naman mainlove. Ang sarap sa feeling pag masaya ka. Ngayon ko lang naranasan to pero masaya pala talaga.Tinignan ko ang loob ng mga boxes at nakita ang isang emerald green and black combination na long gown at ang stiletto heels na kulay white. I love it. Ang ganda, ngayon palang naiimagine ko na ang magiging itsura ko mamaya kapag sinoot ko na ito.
Mamayang 6pm pa naman ang launching kaya marami pa kong oras.
Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong si Kazu but as expected hindi nya ko pinansin. Halatang iniiwasan nya ko, nakakalungkot dahil naninibago ako at feeling ko may masama akong nagawa. Kahit pagiging totoo sa nararamdaman ang ginawa ko at ang pagpili nagiguilty ako.
Napabuntong hininga ako at deretsong pumunta na sa kitchen, naabutan ko si Neo na umiinom ng coffee sa may counter table. "Excited?" Tanong ko.
"Yeah, you like the gown?" Balik tanong nya sakin. Tumango ako at ngumiti. Hindi kami nagsasalita at nagpapakiramdaman lang. Pero ng dapat ay magsasalita sya ay pumasok si Lish sa kusina nagpahinto sa usapan namin.
Dumeretso ito sa fridge at nagsalin ng gatas na nakuha sa basong hawak nya, pumunta sya sa table kung nasaan kami at kumuha ng sandwich at pinalamanan ito. Ang awkward ng katahimikang bumabalot sa amin. "Goodluck sa movie." Sabi ni Lish kay Neo ng hindi tumitingin dito. Nakatuon lang ang mga mata nito sa sandwich na pinapalamanan nya ng nutella.
"Salamat. Nood ka." Sabi ni Neo.
"I can't, I have a ramp sa Singapore the other day. Aalis na ako mamaya." Lumabas si Lish ng hindi man lang kami tinatapunan ng tingin.
"Umiiwas sya?" Tanong ko kahit halata na ang obvious.
"Obviously." Ngumiti muna siya at uminom ng juice nya. Tumayo sya makalipas ng ilang minuto at lumapit sa akin para halikan ako sa noo. "I love you Brielle." Lumabas sya at naiwanan akong nakangiti habang hawak ang pisngi kong hinalikan nya. Pakiramdam ko namumula ako.
Kami na ba? Bakit parang.. oo?
~~
Dumating kami sa mall ng 5:30pm kung saan ilalaunch ang movie, nagbubulungan sila dahil ako ang kasama ni Neo imbes ang leading lady na si Brenda, well Brenda do have his boyfriend as her escort kaya okay lang. Pero nakakailang pa rin. Napansin ko rin na wala si Zhyl na nag iskandalo sa bahay namin nung nakaraan. Movie premiere ng penikula nya pero wala sya? "Asan si Zhyl?" Tanong ko habang naglalakad kami sa red carpet, he just shrugged his shoulder and kiss my hair.Rumors are everywhere, pero halos lahat ng naririnig ko sa mga nagsasalita tungkol sa amin ay puro positive naman. 'Perfect match', 'Kaylan pa kaya sila?' 'Sana magtagal sila' ang ilan sa sinasabi nila.
Pumasok na kami sa loob ng theatre at umupo sa mga designated seats, katabi ko si Neo sa kaliwa habang si Direk naman na nakangiti sa akin ang nasa kanan. Halos lahat ng nandito ay mga press, artista, family and friends ng mga kasama sa movie at mga fans clubs.
Nagspeech muna ang director, si Brenda at si Neo bago nag-umpisa ang penikula.
"Sana hindi ka mabored, some scenes are sensors pero hindi naman gaano." Hinalikan nya ang buhok ko at inakbayan ako habang nanonood kami.
The film is interesting. Maganda ang mga dialogue at ang umpisa mismo. I really didn't care about the sex scenes.
"I love you and I will fight for you." Sabay ni Neo sa linya nya sa sariling penikula. Napatingin ako sakanya pero imbes na sa screen sya nakatingin ay nasa akin ang mga mata nya habang nakangiti. Nagblush ako dahil na rin siguro sa pakiramdam ko, kami ang pinapanood ng iilan hindi ang nasa big screen. I inhaled and exhaled. "Stop it Neo. Manuod nalang tayo." Saway ko sakanya sabay tingin sa screen.
"Sana alam mong napanood ko na yan ng paulit ulit." Nakangiti pa rin nyang sabi.
"I will never ever love someone else. Just you." Sabay nanaman nya. Lumingon ako sa paligid at nakita ang mga namumula nilang mata. Dala na rin siguro ng eksena kaya naiiyak sila. Pero ako? Wala ang focus ko sa pinanonood dahil na rin sa katabi ko na feeling ko sinasadyang sabayan ang mga linya nya.
I lean my head on his shoulder and smile. "Me too." Sabi ko ng nakangiti.
"I love you Brielle and I seriously mean it." Dagdag nya. May pumatak na luha sa pisngi ko kaya iniangat ko ang ulo ko at pinunasan ito. Tumingin sya sakin at hinawakan ang kamay ko ng nakangiti.
"Me too." Ulit ko.
We don't need to say much, we just need to feel it. Pakiramdam ko walang ibang tao sa loob nitong sinehan. Pakiramdam ko ako lang at sya ang nakikita ko, ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao dahil inlove ako kay Neo, times two pa ang saya dahil nararamdaman nya rin ang nararamdaman ko.
Napakaswerte ko sakanya at alam kong hindi ako magsisisi na sya ang pinili ko. Hindi ko inisip na mangyayari to kung tutuusin. Akala ko si Kazu na ang gusto ko, ang mahal ko, ang pipiliin ko, na hindi ako mahuhulog kay Neo, na puro pagpapanggap lang ang lahat sa amin. Ng umpisa siguro ay nag-alangan ako dahil napaka imposible, pero napaka posible rin pala na mangyari to. Na magbago ang desisyon ko at maging masaya ako sa taong hindi ko inaakalang mamahalin ko.
"So we're official now?" Tanong nya sa natutuwang tono. Mabagal akong tumango sakanya at hinalikan ang labi nya ng nakapikit ang dalawang mata.
Pero nawala ako sa langit ng mapasigaw ang lahat. Pakiramdam ko nawala ang pakpak ko na nagpapalipad sa akin na naging dahilan ng pagkahulog ko sa lupa ng sobrang bilis. Napatitig ako sa big screen na nasa harapan at unti unti inilipat ang tingin ko sa katabi na tulala rin sa screen na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. Tuloy tuloy na ang tulo ng mga luha ko dahil sa nakikita. Gusto kong pumikit o tumayo para umalis nalang pero etong mga mata at paa ko mukhang may problema. Ayaw gumalaw. Tinotorture ako. Shit. Ano ba to?!
Hinawakan ako ni Neo pero tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. Ni hindi ko magawang tignan sya sa mata dahil nandidiri ako sakanya, sakanila.
God. This supposed to be a fairytale not a fucking nightmare! This happiness is ruined in just a fucking snap! I know I don't have the rights to be like this dahil pareho lang kami pero leche lang talaga! Bullshit! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kaylan sinagot ko na sya?!
--
To be continued..