Deity's POV
"Kagulat ka naman, Niko-tukmol!" Sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko. Leche 'tong unggoy na 'to. Aatakihin yata ako sa puso. Charot. Awesome ko pa rin.
Hinila na niya ako sa braso at wala na akong nagawa kasi ang higpit ng kapit niya.
"Saglit." Sabi ko at pinakinggan ang paligid. "Naririnig mo 'yun?"
"Ang alin?" Tanong niya sabay bitaw sa braso ko.
"Yung tyan ko kumakalam. Hehe." Nagpeace sign ako at umirap siya. "Kakain muna ako." Dadaretso na sana akong cafeteria nang humarang siya sa dadaanan ko.
"Sama ako." Walang emosyon niyang sinabi habang nasa bulsa ng pantalon niya ang dalawa niyang kamay.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Nagagandahan ka na talaga sa'kin 'no?" Nagpogi pose ako. "I'm so awesome! And fabulous too!"
Pagpasok namin sa cafeteria, pinagtitinginan kami ng mga studyante.
"Ayos, ah. Sikat ka rin pala dito." Pumila ako at naki-order. "Manang ubos na 'yung strawberry cake? Sabi ko reserve 'yung tatlo, eh!" Bwisit. 'Yun pa naman inaabangan ko sa lahat.
"Pasensya na hija, hindi nakapunta ang magdadala ng cake dahil sa nangyari kahapon." Sabi ni manang.
Parang wala lang sa mga studyante ang nangyari kahapon. Oo nga't natakot sila pero sa una lang. Pinagpatuloy pa rin ang klase ngayon at madaming CCTV camera sa paligid dahil sabi ni piggydy 'for your safety' kingina daw. Safety?
"Nixo-kins." Tawag ko habang nakain ng burger. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Ba't mo 'ko hinila kanina? Ikaw ha, napaghahalataan ka.. Crush mo 'ko 'no?" Nakangisi kong sinabi.
Halos maibuga na niya sa mukha ko ang kinakain niya. Haha. Mukha siyang tanga.
BINABASA MO ANG
Faked Suicide
Mystery / ThrillerSuicide: The act of killing yourself because you do not want to continue living. She wants to get attention that's why she attempted to do fake suicide. But destiny wants to play. Her faked suicide goes real. No to plagiarism.