seven

13 0 0
                                    

Deity's POV




Nahiga ako sa kama ko at pinagmasdan ang journal ni mommy. Paulit-ulit ko na 'tong nakikita sa drawer niya pero natatakot akong buksan at basahin. Natatakot ako sa maaaring maging laman.




Mariin kong pinikit ang mata ko at tinabi sa ilalim ng unan ko ang journal. Tumayo ako at nagshower. Pagkatapos, nagsuot ako ng uniform at pumasok ulit sa school. Nag-cutting kasi ako kanina, hehe. One hour lang naman.




Nakakatamad talaga ang geometry.




Pagdating ko sa school, dumiretso ako at naglakad sa hallway. Naalala ko na naman tuloy ang binulong sa akin ni Mace.



'trust no one'.




Si Nixon..




Mapagkakatiwalaan ba kita, Nixon-tyanak?




"Miss Fritz!"




Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Nakita kong tinatawag ako ni piggydy kaya lumapit ako at pinapasok niya ako sa office niya.




"Pwede ba kitang maka-usap?" Mahinahon niyang tanong.




"Eto na nga oh. Kinakausap mo na 'ko." Sabi ko at umirap.




Akala ko sisigawan niya ako at sasabihing 'detention!' pero iba na yata ang ikot ng mundo, kalmado lang siya habang may binabasa sa desk niya. Nakakapagtaka. Ano kayang nakain ni piggydy ngayon? Kumain na naman siguro 'to ng pagkain ng baboy kaya ganyan.




"Sunod-sunod na ang pagpatay ng walang kamuang-muang kong mga mag-aaral sa skwelahan.." Sabi ni piggydy at tumingin sa akin. "Marami na rin ang nagda-drop out dahil sa takot na sila ang susunod na mabiktima."





Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon