Nixon's POV
Nasalo niya ang bala na dapat sa akin. She got tortured. She got bruises. Nabaril din siya nung tinutukan siya ng baril. Everything was that organizations' fault.
"Gigising din 'yan.." Tinapik tapik ako ni Momo sa balikat. "Working student pa rin naman si Garino. Hehe."
Biglang bumukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok sila Amada, Mace, Kitty at Garino. May dala dala silang pagkain. Nilapag nila 'yon sa may lamesa.
"YO YO YO!!! Garino Gago's in the house yo!" Masiglang bati ni Garino tsaka itinaas ang kamay para sana makipag-high five kay Deity pero ibinaba niya rin. Yumuko siya at tumingin kay Deity. "Mader gising na, tagal naman ng tulog mo. Dapat pag gising mo 'di ka na matutulog ah! Three years ka ng 'di puyat!" Tumawa siya pero sa kabila nun, kita ko ang lungkot sa mata niya.
"How's Roxy?" Pagchechange topic ko.
"Roxy is fine. Taking medications and such. Makakauwi na rin naman siya sa mental pagkatapos ng isang taon." Sagot ni Amada. Pumunta sila sa kama ni Deity at inayos ang unan pati kumot nito.
Tumango ako.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chief kasama sila Xaorus at Xiomara.
"Ay shet. Nandito na si maarts." Bulong ni Momo at Garino. Nginisihan nila si Xiomara na ngayon ay tinataasan sila ng kilay.
BINABASA MO ANG
Faked Suicide
Mystery / ThrillerSuicide: The act of killing yourself because you do not want to continue living. She wants to get attention that's why she attempted to do fake suicide. But destiny wants to play. Her faked suicide goes real. No to plagiarism.