six

17 0 0
                                    

Deity's POV



Nauunang tumakbo si Nixo-kins palabas ng opisina ni chief Alforte habang nakasunod kaming tatlo sa kanya. Kinakabahan ako dahil baka may mamatay na naman.




Nakita namin ang isang pulis na parang natataranta. May hawak itong baril. Natigilan kami ni Garino habang lumapit naman si chief.




"Hindi ko sinasadyang makalabit ang gatilyo. Nililinis ko ang kasi ang baril ko at hindi ko alam na nakakasa pala." Paliwanag ng pulis.




"Paano kung may madamay sa pagpapaputok mo ng baril?" Tanong ni Chief.




"Wala hong nadamay dahil sa lupa ako nagpaputok."




Humingang malalim si chief. "Alam mo bang tinakot mo kami? Tignan mo nga nangyari sa mukha ko." Sabi niya at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.




"Deity naman, eh!" Asar na sabi ni Garino habang nakamot sa batok niya.




"Kayong mga bata, may klase pa kayo diba? Bumalik na kayo sa school niyo." Maotoridad na sabi ni Chief.




"Pano kung ayoko?" Tanong ko at sinamaan niya lang ako ng tingin. "Bwisit ba't pa kasing kailangan mag-aral." Bulong ko.




"For you to have knowledge and to find a better job." Sabi ni Nixon-tukmol na narinig pala ang binulong ko. Ginulo niya ang buhok ko at muntikan ko na siyang bigwasan dahil doon.




"Ihahatid ko na kayo." Sabi ni Chief kaya sumakay kami sa kotse niya at nagdrive na siya papuntang school.




Nang makarating kami sa school ay nauna akong makababa. Binuksan ni chief ang bintana niya at nagsalita.




"Aral mabuti, Deity ha? Bawal cutting." Sabi niya sabay alis. Napairap ako at natawa si Garino. Pumasok kami sa loob at nadaanan ang soccer field kung saan walang tao at nag-iisa lang ang babae sa bleachers.

Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon