seventeen

16 1 0
                                    

Deity's POV




Tahimik akong nakaupo sa upuan sa hapagkainan habang nakatulala sa pagkaing hindi ko pa ginagalaw. Patapos ng kumain si Nixo-kins pero ako, hindi pa nagsisimula. Wala akong gana na sadyang nakakapanibago.




Pansin kong nakatingin sa akin ang ugok kaya pasimple akong lumihis ng tingin at uminom ng tubig. Natense ako bigla. Kairita kasi kung makatingin leche.





Ginalaw ko ulit ang pagkain sa harap ko pero sa iba ako nakatingin. Sa gilid na. Nakita ko kasi 'yung lunch box na nakalagay sa lamesa. Kulay pink pa.





"Bakit hindi ka kumakain?" Biglang tanong ni Nixon kaya agad akong napatingin sa kanya.





"Wala akong gana." Mahina kong sagot.





Tumayo siya at tumabi sa akin. Kinuha niya 'yung steak at hiniwa tsaka niya tinapat sa bibig ko 'yung kutsara. Seryoso lang siya habang nakatitig.





"Kung ayaw mong kumain, susubuan kita." Sabi niya at muling tinapat ang kutsara sa bibig ko. Wala akong nagawa kundi kainin 'yun. "Bawal magpalipas ng gutom, Deity."





"Alam ko. Tingin mo sa'kin? 'Di 'yun alam?" Sarkastiko kong sinabi. Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang ipinasok ang kutsara na punong puno ng kanin sa bibig ko.





Tatawa-tawa pa ang hayop.





"Tubig!" Sigaw ko at dali-dali naman niya 'yung inabot. "Impakto ka, papatayin mo 'ko?!"




He laughed. Nakita ko na naman ang buong ngipin niya. "Alam ko namang puro sarkastikuhan lang ang lalabas sa bibig mo kaya inunahan na kita."

Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon