five

15 0 0
                                    

Deity's POV




Inantay muna naming makaalis ang mga pulis bago kami ulit pumasok ni Nixo-kins sa bahay nila Mace. Mag gagabi na at nagugutom na ako pero isinantabi ko muna dahil mas importante ang gagawin namin. Naunang nakapasok si Nixon at nakabuntot lang ako. Ako daw ang lookout.




Nang makapasok sa loob, pumunta na agad kami sa kwarto niya. Maraming yellow line na nakakabit sa pintuan kaya nahirapan kaming pumasok.




Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan para makasigurong walang sumusunod. Nang masiguro kong wala, tuluyan na 'kong pumasok sa kwarto ni Mace.




Malinis na..




Wala na ang mga dugo pero ang mga kalat ay nandoon pa rin. Agad kaming nagtungo ni Nixon sa may cabinet kung saan namin nakita ang bakas ng sapatos.




"Nakita ko na." Mahinang sabi ko at tinutukan ng flashlight ang sahig.




Kumuha ng ruler si Nixon at sinukat ang bakas. Parang kino-convert pa niya dahil medyo natagalan pa siya.




"American size. Six." Sabi niya at tumingin sa akin. "It's a man." Bulong niya.




"Baka naman sa'yo 'yan." Biro ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Joki lang." Mahinang sabi ko at tumingin sa ilalim ng kama ni Mace. Dito ko kasi nakita ang hairclip niya. Dumapa ako para mas lalong makita ang ilalim pero nagtaka rin dahil may maliit na shoe box.




Kinuha ko ito. Buti nalang at may gloves kami ni Nixo-kins kundi na-contaminate na namin ang crime scene. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang litrato ng lumang mansion. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito.




Nilipat ko pa ang litrato at nakita ang papel na may picture ng kulungan.




Ito rin 'yung drawing ni Mace.




"What's that?"

Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon