fourteen

9 0 0
                                    

Deity's POV




"Hello?!" Sigaw ko sa phone ko.




[Lakas ng boses!] Sigaw naman ni Garino.






"Nasaan ka? Itrack mo nga kung nasaan si Roxy!"






[Eh diba tinuruan na kita?]






"Makakalimutin ako gago! Dalian mo na!" Sigaw ko at binabaan siya ng phone.




Maya-maya, nakareceive ako ng text kay Garino na hindi daw niya maitrack dahil nakapatay ang GPS nito. Lalo kaming nawalan ng pag-asa ni Nixo-kins. Tumigil kami sa tapat ng subdivision.






"Let's split up. Magtanong-tanong tayo." Suhestyon ko at bumaba ng kotse.






Bumaba rin si Nixon at sinara ang pinto ng kotse niya. "What? It's too dangerous. Baka nasundan tayo ng killer."






"Pero kailangan nating iligtas si Roxy!"






Sa huli, pumayag si Nixon at lumapit sa akin. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at natigilan naman ako. I froze.






"Be safe. Kapag may nangyaring masama sa'yo, hahalikan kita sa harap ng maraming tayo, okay?" Sabi niya at wala sa sariling napatango ako. "Hindi lang pala kita hahalikan, rereypin pa kita. Kaya mag-iingat ka kung gusto mong anakan kita!" Sigaw niya bago tumakbo papalayo.






Mga isang minuto akong tulala bago ako naglakad na din at nagtanong tanong kung nasaan ang bahay ni Roxy. Ang laki-laki ng subdivision at maraming mga bahay. Mahihirapan kami kung hindi kami maghihiwalay ni Nixon sa paghahanap.






Nakita ko ang lalaking nagdidilig ng halaman kaya lumapit ako sa kanya.




"Magandang hapon po. Alam niyo po ba kung nasaan ang bahay ni Roxy?" Tanong ko at kumunot ang noo niya.






"Hija maraming Roxy dito sa subdivision." Sabi niya.






Ano nga ba ulit ang apilyido ni Roxy?! Shitty shit shit. Bakit ngayon pa gumana ang pagkakamalimutin ko?






"Yung babae pong ganito katangkad." Sabi ko at dinemonstrate kung gaano katangkad si Roxy. "Tapos nag-aaral sa Leighton Academy." Dagdag ko pero lalong kumunot ang noo ng lalaki.






Natampal ko nalang ang noo ko at bumuntong hininga. Bigla kong naalala ang pinag-usapan ni piggydy noon sa may rooftop kung saan magpapakamatay si Roxy.






"Hindi ako makapaniwalang kayang magpakamatay ni Roxy. Si Roxy Crest. Ang mga Crest na may ari ng iba't-ibang mall dito sa Pilipinas? Hindi kapani-paniwala!"




Pakiramdam ko may light bulb sa tuktok ng ulo ko na nag-pop out. Yes! Crest.






"Roxy Crest!" Sabi ko habang may ngiti sa labi.






"Ah, ang mga Crest ba hija?"




"Hindi ho, hindi." Bwisit kong pamimilosopo. Kakasabi ko nga lang na Crest, ipapaulit pa.






Tumawa ang lalaki at may tinuro na daan. "Lakarin mo lang 'yan tapos kakaliwa ka, kapag may nakita kang gate na kulay gold at may nakaukit na crest, bahay na nila 'yun." Sabi niya at nagpasalamat ko.






Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon