twenty one

16 0 0
                                        


Nixon's POV




Nakaalis na sila Momo at Xiomara sa bahay at naiwan akong mag-isa. Hihingi kasi sila ng tulong kay Xaorus para ma-excuse sa klase ng isang linggo o dalawa.





Kahit asar na asar ako sa kanya, wala akong nagawa kundi magpatulong. He's Mrs. White's niece anyway.





Inayos ko ang magulong kama ni Deity. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung kumakain ba siya sa tamang oras. Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong mapupunta sa impyerno ang kumuha sa kanya.





Pag-angat ko ng kumot, may kapirasong papel na nalaglag. Takang pinulot ko 'yun at binuksan. Noong una, hindi ko pa maintindihan pero nang maalala ko kung anong oras namatay 'kuno' sila Mace at iba pa, nagngitngit ako sa galit.





4pm. 4 ang clue. At alam ko na kung ano ang tinutukoy nito. Base na din sa sulat ng kamay ni Deity na alam kong sinolve niya rin ang clue na 'yon bago siya mawala.




Amada

Mace

Louie

Kitty

Roxy





Lahat sila, 4pm namatay 'kuno' raw. Isinali na din ni Deity si Kitty dahil counted siya sa fake suicide. If you look closely at their names, you'll find the clue.






Number four is the clue.





Kung bibilangin hanggang apat ang letra sa pangalan nilang lahat, malalaman ang sagot.




Amada

Mace

Louie

Kitty

Roxy




Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon