four

24 1 0
                                    

Deity's POV



Lalo ko pang hinigpitan ang kapit sa unan ko. Ayoko pang bumangon pero kailangan dahil umaga na at nagugutom na ako. Pero pagdilat ko ng mata ko..




Oh fucky fuck fuck..



Magkayakap kami ni Nixon at ang lapit ng katawan namin sa isa't-isa... Naramdaman niya yatang gumalaw ako kaya nagising rin siya. Tulad ko, nanlalaki rin ang mata namin at sabay pa kaming sumigaw habang nagsisipaan.




"Omygosh bakit ako nakayakap sa'yo?!" Sigaw ko sa sobrang kahihiyan. Pero ba't ganun, kahit hiyang-hiya na ako nararamdaman ko pa ring komportable ako kay Nixon? Iba na 'to. Napagkamalan ko pa siyang unan ko. Kill me now.




"Hindi ko alam! Sorry!" Hingi niya ng tawad.




Natahimik kami at nag-isip. Jusko Lord ano na naman ba ito?! Ang puso ko na naman! Hindi niyo pa ako kukunin diba?





"K-kumain ka na?" Tanong niya.




"Nakita mong kakagising ko lang diba?" Sarkastikong sagot ko. Napakamot siya ng ulo niya.




"Ako na magluluto. Diyan ka nalang." Tumayo siya.




"Talaga?! You will cook?" Excited kong tanong. Tumango siya at parang nawi-weirduhan pa sa akin. "Salamat at makakatikim na rin ako ng homemade breakfast!" Tumalon-talon ako sa sobrang saya.





"Why? Hindi ka marunong magluto?"




"Yup. Cup noodles lagi ang kinakain ko. Or mag-oorder ako ng fast food." Sagot ko. "Dalian mo ha! Gutom na 'ko!" Umakyat agad ako sa hagdan at pumasok sa kwarto ko para maghilamos.




Pagbababa ko, naabutan ko siyang nagluluto ng pancake at gumagawa ng strawberry shake.

Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon