Deity's POV
Pabagsak akong nahiga sa guest room ng bahay ni Nixolicious. Dito kasi muna ako pansamantalang nakatira diba? Nakakatakot kasing bumalik sa bahay ko dahil baka ma-tsugi ako ng 'di oras ng hayop na pumasok noon sa bahay.
Bwisit na hayop na 'yun. Tinakot niya ako ng bonggang-bongga noon. Kapag na nakita ko ulit 'yun, hindi na ako matatakot at lalabanan ang salarin. Okay lang mamatay alteast lumaban ako. Right?
Ang awesome ko talaga! Deity for the win!
Biglang bumukas ang pintuan at hindi na ako nag-abalang tumingin dito. Malamang si Nixo-kins 'to. Kami lang naman ang nandito. Nakahiga pa rin ako sa kama at hindi pa natatanggal ang sapatos ko. Hindi pa rin ako nakakapagpalit ng damit.
"Wala kang balak mag-shower?" Tanong niya.
"Wala kang pakialam. 'Di tayo bati. Shoo." Mahinang sabi ko habang nakatingin pa rin sa ceiling at hawak ang phone ko.
"You're bipolar."
"Hindi ako bipolar. Deity ako. The awesome Deity." Pag-correct ko.
"Fine whatever." Sabi ng instincts ko, umirap si Nixo-kins. Bahala nga siya diyang bakla siya. "Nandito sa baba si Garino. He said he wanted to teach you how to hack and track."
Agad akong napabangon nang marinig ko 'yun. Sa wakas tuturuan niya na din ako!
"Sabay tayong bumaba ha!" Sigaw ko at nakita ko naman siyang humiga sa kama at pinakialaman ang phone ko. Wala naman siyang makikitang bold dun kung naghahanap siya ng ganun sa phone ko. Hindi naman ako nanonood ng porn. Igaya pa niya ako kay Garino na pati wallpaper eh pornstar.
Naligo ako at nagpalit ng damit. Sabay kaming bumaba ni Nixon at naghihintay na sa amin si Garino kaharap ang laptop niya at kung ano-anong device na nakapatong sa table.
"Hay salamat bumaba rin!" Sigaw ni Garino.
Umupo ako katabi niya at umupo naman katabi ko si Nixon.
"Turuan mo na 'ko dali!" Excited kong sigaw.
"First download angry IP scanner.." Sabi niya sabay pakita ng app na 'yun sa laptop niya.
Nakikinig lang kaming dalawa ni Nixo-kins sa mga tinuturo niya. Dalawang scanner etcetera pa ang pinakita niya at nag-example din siya.
"Pinanood ko pala 'yung sinend mo sa'kin kagabi. And I already installed those apps." Sabi ko kaya nagthumbs up si Garino. Kinuha ko ang laptop ko at pinakita sa kanya.
"Ipapakita ko sa inyo kung paano manghack ng private CCTV ang poging si Garino!" Masiglang sabi niya at nagsimulang magtype ng kung anong password yata at code doon sa laptop ko.
***
"Seriously? Wala ba kayong foods diyan? Gutom na gutom na ako!" Angal ni Garino.
Maghapon niya kaming tinuruan ni Nixon at sa wakas ay marunong na kami. Awesome kasi ako. Ang mga awesome na kagaya ko, fast learner.
BINABASA MO ANG
Faked Suicide
Mystery / ThrillerSuicide: The act of killing yourself because you do not want to continue living. She wants to get attention that's why she attempted to do fake suicide. But destiny wants to play. Her faked suicide goes real. No to plagiarism.