Deity's POV
Inihiga ko ang sarili ko sa kama ko pagkauwing-pakauwi ko sa bahay. Umalis na agad si Nixon dahil may gagawin daw siya. 'Yong kutong-lupa na talaga na 'yon, lakas mang-iwan. Hawak-hawak ko pa rin ang hairclip ni Mace at pinapaikot-ikot ito sa daliri ko habang nakatulala sa kisame.
Nakakainis lang kasi naka-beanie 'yung lalaki kanina. Hindi ko pa maaninag ang mukha dahil nakatalikod. Anong ginawa niya sa kwarto ni Mace? Siya ba ang nagpunit at nagkalat ng mga papel kanina?
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang pagkairita.
*kringgg.
"Oh?" Sagot ko sa kung sinong tumawag.
[Where's your manner, young lady?]
Automatiko akong napatingin sa screen ng phone ko at napairap.
"First, I'm not a young lady. Second, my manner is gone. Third, hindi ka naman karespe-respeto." Walang galang kong sagot.
He sighed. [Tinawagan ka namin kasi kailangan mong sagutin ang mga itatanong namin sa'yo.]
"Bakit? Suspect niyo ako, chief?" Sarkastiko kong sinabi.
[Hindi. Pero kilala mo ang namatay, si Amada right?]
"Hindi ko kilala si Amada. Si Mace, oo. Tsaka ang init-init. 2pm talaga?" Napairap ako.
[Pumunta ka nalang sa police station. Nawawala si Amada at kailangan namin ng opinion mo dahil nagsaliksik kami ng mga impormasyon tungkol sa'yo. Alam mo lahat ng balita sa school.]
BINABASA MO ANG
Faked Suicide
Mystery / ThrillerSuicide: The act of killing yourself because you do not want to continue living. She wants to get attention that's why she attempted to do fake suicide. But destiny wants to play. Her faked suicide goes real. No to plagiarism.