thirteen

13 0 0
                                    


Deity's POV




Inaabangan kong lumubog ang araw habang nakatayo ako sa veranda ng bahay nila Nixo-kins. Wala kasi si Nixon dahil kinuha niya ang papeles ng ate niya na balak sunugin nung boss nila. Kaya naiwan ako mag-isa.





Kaso hanggang ngayon wala pa rin siya. Isang oras na 'kong nag-aantay dito ah.





Bakit ko nga ba inaantay 'yun? Bwisit. 'Di ko dapat inaantay umuwi 'yun.





Inis akong bumalik sa kwarto at nagcellphone. Chineck ko ang mga accounts ko. Biglang may kumalabog kaya napabitaw ako sa phone ko at tumingin sa paligid. Lumabas din ako ng kwarto at nilibot ang bahay ni Nixon.





Kinakabahan ako pero hindi ko alintana. Binuksan ko ng malakas ang front door at may narinig akong nagmura. Niluwagan ko ang bukas at nakita si Garino na nakaupo sa semento habang hawak ang mukha niyang natamaan ng pinto. Sa likod niya si Nixon na tatawa-tawa.





"Hutaena ka Deity!" Inis na sabi ni Garino habang nakaupo pa rin sa semento.





"Bakit ka ba kasi nasa bungad! Bobo nito." Sabi ko rin at pinapasok na sila. Hawak na ni Nixon ang mga papel at iba pang gamit ng ate niya na naiwan sa kompanyang dating pinagtatrabahuhan nito.




"Malay ko bang matatamaan ako ng pinto!" Sabi ni Garino.





Inirapan ko lang siya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Garino.





"Bakit masama?" Tanong niya rin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "De joke lang! Boring sa bahay eh. Tatambay muna ako dito."





"Hoy Garino." Tawag ni Nixo-kins. Mukhang seryosong seryoso ito sa binabasa sa papel na pagmamay-ari ng Ate niya.


Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon