Deity's POV
Maingat akong naglalakad sa subdivision. Kakaunti lang ang mga bahay dito kaya medyo malalayo ang agwat. Madilim dahil 11 na nga gabi. Buti nalang may mga poste ng ilaw.
Nanginginig ang kamao ko habang hawak ang strap ng bag ko. Palingon-lingon pa ako sa paligid dahil baka nandyan lang ang killer. Padaan-daan pa ako sa eskinita para lang mahagilap ang bahay ni Garino. Kanina ko pa kasi tinatawagan ang hinayupak. Hanggang ngayon hindi pa rin sinasagot ang phone. Kanina ko pa tinatawagan 'yon nung nandon pa 'ko sa bahay ni Nixon eh. 'Pag nakita ko 'yon, yari siya sa'kin. Jok.
Lumiko ako sa eskinita. Tapos ang labasan ay sa subdivision pa rin pero malayo na sa bahay ni Nixon. Malapit naman sa bahay ko at bahay ni Garino.
Paghakbang na paghakbang ko, nakarinig ako ng crack. Tumingin tuloy ako sa ibaba at napag-alamanang nakatapak ako ng cellphone. Sira ang screen nito nang pulutin ko pero nagana pa naman.
Pagbukas ko, muntik ko nang ibato ang cellphone nang bumungad sa lock screen ang mukha ni Maria Ozawa na walang damit. As in. Lock screen pa lang, alam ko na kung kanino 'to. Sino ba namang maglolock-screen ng ganito diba? Edi si manyak lang.
Bakit nandito cellphone 'non? Nakita ko pa ang mga ilang missed calls ko. Bwisit. Aksaya sa load ha. Oks lang. Iniwan ko naman phone ko kila Nixikita.
Hindi ko alam pero inusisa ko ang gallery. Kahit alam kong puro kalaswaan lang ang laman non. Sa camera roll, may nakalagay na 'new' kaya 'yun agad ang pinindot ko. May kuha dito ng lalaki habang may kaladkad na babae. Kahit blur, zinoom ko at naaninag ng kaunti ang mukha nung babae.
Ano nga bang pangalan neto?
Di bale na. Itatabi ko nalang muna 'tong phone ni Garino Gago.
Tumakbo ako papunta sa bahay ko. Shet, I missed my home..
BINABASA MO ANG
Faked Suicide
Mystery / ThrillerSuicide: The act of killing yourself because you do not want to continue living. She wants to get attention that's why she attempted to do fake suicide. But destiny wants to play. Her faked suicide goes real. No to plagiarism.