Deity's POV
Tulog na ang lahat at wala na akong naririnig na ingay. Nakaupo lang ako sa kama habang inaalala kung ano nang nangyari sa bag ko.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang makatakas dito o ang paghihiganti kay tanda at ang mga nalaman ko sa kapatid ko. Hindi ko na talaga alam.
Kung sana nandito si Nixon, edi sana hindi ako magiging ganito.
Bakit? Bakit ko ba palaging iniisip si Nixo-kins? Pakialam ko ba sa kanya? May Xiomara na naman 'yun..
Aray.
Napahilamos ako ng mukha sa sobrang depress. Hindi pa ako sigurado kung may kinalaman nga talaga si tanda sa pagkamatay ng magulang ko. Liar paradox. Baka nagsasabi lang pala siya ng totoo o baka nagsisinungaling lang siya.
Ang hirap kapag hindi ka madaling magtiwala sa isang tao. Lahat nagbabago.
"Psst."
Hinahanap ko ang bag ko pero kung saan saan na napapadpad ang utak ko kakaisip.
"Pssst."
BINABASA MO ANG
Faked Suicide
Misterio / SuspensoSuicide: The act of killing yourself because you do not want to continue living. She wants to get attention that's why she attempted to do fake suicide. But destiny wants to play. Her faked suicide goes real. No to plagiarism.