eleven

23 0 0
                                    

Deity's POV




Maghapon akong nakatulala sa kisame habang hawak ang labi ko. Hindi na ako lumabas ng kwarto matapos ang insidenteng 'yun.




Hayop, nakachansing na naman ang gago. Siguro tuwang-tuwa 'yon ngayon.




'Pag tuloy naaalala ko, namumula ako. Leche, Nixon. Anong ginawa mo?




Bwisit!





Hindi ito ang panahon para lumandi, Deity.




Tumayo ako at kinuha ang maliit kong knapsack at sinuot ito sa likod ko. Ayokong makita ako ni Nixon dahil sa sobrang awkward, nahihiya na akong kausapin ang gunggong na 'yun.




Inipit ko ang buhok ko ng ponytail at tumalon sa bintana. Second floor lang naman 'tong kwarto kaya oks lang. Mukhang nasa kwarto niya si Nixon kaya nagmamadali na akong inakyat ang isa pang gate na nasa bakuran. Kung bubuksan ko 'yung main gate nila Nixo-kins, makikita naman niya.





Nang makatalon ako ay pinunasan ko ang pawis ko at tsaka naglakad. Hawak ko ang strap ng bag ko habang lumalayo sa bahay ni Nixon.





Kinilabutan ako bigla kaya napahinto ako. Tumingin ako sa likod ko pero wala akong nakita kundi ang makulimlim na panahon at mga bahay.




Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Maya't-maya akong tumitigil pero hindi ako lumilingon. Alam ko na ngayong may sumusunod sa akin.





Unti-unting kumurba ang ngisi sa labi ko. Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko at nag-isip. Hindi ko pala dala ang tazer ko. Sayang. But what's more important is..




He' s here.




It's time to kill him. Demonyong killer, ang dami na niyang pinatay. Dapat sa kanya binabalik ang ginagawa sa mga pinatay niya.

Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon