twenty five

11 0 0
                                    

Deity's POV




Litong-lito man, agad akong tumakbo palabas ng kwarto at sinalubong ako ng makapal na usok. Nahirapan akong makakita agad pero sinubukan ko pa ring maglakad patungo sa mga kwarto nila Mace. Nakalock lahat ng kwarto nila kaya kinailangan ko ng susi.






Nakakarindi ang ingay na ginagawa ng alarm at nagsisilbing kulay pula ang loob ng mansion dahil sa ilaw na nanggagaling dito.






Umubo-ubo ako. Hirap na akong makahinga at nasasaktan na rin ang katawan ko dahil sa init.






Nagulat nalang ako ng may biglang naglagay ng basang panyo sa ilong ko. Lumingon ako pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa usok. Tinulungan niya akong buksan ang pinto gamit ang susing lagi kong nakikita kay Tanda.






Kung sino man 'to, salamat.






Blurred ang paningin ko pero pinagmamasdan ko pa rin ang likod niya. Sobrang pamilyar kasi.






Nang maka-adjust ang mata ko sa usok. Nalaman kong si Craine pala 'tong nasa harap ko. Nanginig agad ako sa galit kaya pinalabas ko na muna ang nasa loob ng kwarto bago lumipat sa kabila. Iniiwasan ko siya hangga't maaari.






Binuksan namin lahat ng mga kwarto at sabay-sabay kaming nagsilabasan. Agad kong hinanap sila Garino at sila Kitty. Nagpapanic na ang lahat at ang mga goons ni tanda ay hindi ko na makita.







"GARINO!!!!" Piit akong sumisigaw.





Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon