Deity's POV
Agad kaming nag-ayos ni Garino at tinago ang mga dapat itago nang sumapit na ang alas-sais. Kanya-kanya kaming lagay ng mga gamit namin sa ilalim ng kama at tinakpan ng kumot ang mga nakuha namin sa mga bag namin. Kung siya, mga camera at laptop, ako naman puro mga pagkain.
Nagsisi tuloy akong iniwan ko pa kila Nixon ang phone ko.
Nagkunwari akong tulog hanggang sa pumasok na ang dalawang goons ni tanda. Hinawakan nila ako sa braso at lumabas kami ng silid. Sabay-sabay kaming lumabas ng mga nakakulong.
Nang mapatingin ako kay Roxi, kita ko ang pagbabago sa itsura niya. Mukha siyang si Sisa. Nagwawala siya habang natawa. Baliw na nga.
Hindi ko maiwasang hindi manghinayang. Kung tinatagan niya lang ang loob niya, hindi sana siya mawawalan ng ulirat. Dapat ginaya niya 'ko. Kahit patong-patong na ang problema ko, malakas pa rin. Lol!
Habang naglalakad papunta sa mahabang lamesa para kumain ng almusal, tinignan ko ang mga kasama kong nakulong rin. Mapababae man o lalaki. Wala silang pinagkaiba sa akin, depressed sila at malalaki ang eyebags. Ang ilan, may mga pasa pa sa mukha.
Pero siyempre mas lalo ako. Hindi ko na nga maimulat ng maayos ang mata ko dahil sa black eye. Idagdag pa ang hindi pa rin gumagaling kong pasa sa dalawang hita. Ang sugat ko sa pisngi. 'Yong madumi kong bistida. Mukha akong na gangbang. Mas malala pa.
Bumuntong hininga ako. Hanggang kailan ang paghihirap ko?
Kung walang umaalalay sa akin, malamang nagapang nalang ako. Sobrang sakit ng katawan ko. Buti nalang nakaya ko pa ang maglakad kanina kasama si Garino.
Umupo na kami sa mga upuan namin at nanatiling nasa likod ko ang dalawang goons. Binabantayan ang bawat galaw ko.
"Psst." Sitsit ko sa lalaking katabi lang ng upuan ni Mace. Mukha na siyang nasa-20s.
Nagulat ang lalaki sa pagsitsit ko. "Ako?" Tanong pa niya. Mukha siyang takot na takot sa presensya ko.
"Oo." Sagot ko at ipinatong ang paa ko sa upuan. Tiniis ko ang sakit ng hita ko para lang mapatong ang paa ko. "Ilang taon ka ng nandito?"
"L-lima.." Yumuko siya ng bahagya at nanahimik.
Sinitsitan ko naman ang ilan at lumingon sila. Tinanong ko din ang tinanong ko sa lalaki kanina. Ang sagot niya, isang dekada o anim na taon na raw.
Napaisip ako. "May mga pamilya pa ba kayo?"
"Wala na. Pinatay na sila ni Tatay Arnold." Tatay Arnold daw? Si tanda tinawag niyang tatay? Yak!
"Meron. Kaso sa tingin ko iniisip na nilang patay na ako dahil ilang taon na akong nawawala."
'Yan ang ilan sa mga narinig ko. Walang puso si tanda. Baliw pa. Alam ko na namang may sakit sa utak ang ex ni Mommy na si tanda pala base sa journal niya. Pero ang hindi ko lang nababasa ay ang panghuling pahina ng journal ni Mommy. Pinunit kasi 'yun.
BINABASA MO ANG
Faked Suicide
Mister / ThrillerSuicide: The act of killing yourself because you do not want to continue living. She wants to get attention that's why she attempted to do fake suicide. But destiny wants to play. Her faked suicide goes real. No to plagiarism.