Deity's POV
"Eto na 'yung mga gamit mo na pinakuha ko kay Chief." Sabi ni Nixo-kins sabay lapag ng maleta ko. Parang dito na talaga ako titira but no, I just have to protect myself. I'm not ready to die yet. "Anong iniisip mo?" Tanong ni Nixs.
"Nothing." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Hawak niya ang phone ko kaya agad ko 'tong kinuha at nagtatatalon sa tuwa. "Yes! My phone!" Masayang sabi ko at tumingin kay Nixon. "Salamat."
"Matulog ka na." Sabi niya at pinalapit ako sa kama.
Humiga ako at niyakap ang unan. Ako lang mag-isa ditong matutulog sa guest room ng bahay nila Nixo-kins. Ayos na rin kasi hindi ako nag-iisa sa bahay. Kasama ko si Nixon na ang kwarto ay katabi lang nitong kwarto kung saan ako matutulog.
Habang inaayos ko ang kumot, napatingin ako sa bintana. Umaambon at parang may malakas na ulan ang darating. Paalis na sana si Nixon nang tawagin ko siya.
"Why?" Tanong niya habang nakadungaw sa pinto.
"Sa tingin mo kukulog?" Tanong ko sabay turo sa labas.
Ngumiti siya ng tipid. "Maybe." Sabi niya at sinara na ang pinto at ilaw.
Sinandal ko ang sarili ko sa headboard ng kama. Binuksan ko ang phone ko at nakatanggap ng mga message kela Garino.
From: Garino Gaga
Napanood mo ba 'yung sinend ko sa'yong how to hack CCTV?
Nag-reply ako ng 'oo' kahit hindi ko pa napapanood. Tinignan ko ang link na sinend niya at pinanood ang video. Mga one hour ang tinagal ng video at dahil awesome ko, naintindihan ko ang video at nagdownload ng app para manghack sa laptop ko.
BINABASA MO ANG
Faked Suicide
Mystery / ThrillerSuicide: The act of killing yourself because you do not want to continue living. She wants to get attention that's why she attempted to do fake suicide. But destiny wants to play. Her faked suicide goes real. No to plagiarism.