"Who are they? Bakit gusto nila akong patayin?" Halos mangiyak ngiyak na tanong ko ng alisin niya ang kamay sa bibig ko. I straightly looked at him, gusto kong ipakita sa kanya ang halo halong emosyon na nararamdaman ko. Ang galit, poot, pagsisi at takot na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.But He didn't respond.
"Just answer me, naguguluhan ako" Muli na naman lumandas ang mga luha sa pisngi ko. "Please....answer me..Ano bang nangyayari ha? Sabihin mo..Ano?"
Napahagulhol na ako. Gulong gulo na ang isipan ko. Bakit may mga taong naghahanap sakin? Bakit gusto nila akong patayin? Ano bang nagawa ko sa kanila at pinagtatangkan nila ang buhay ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Ilang segundo lang ang lumipas, naramdaman ko na ang mainit na yakap niya sa katawan ko.
"Wag kang umiiyak" bulong niya ngunit hindi ko iyon pinakinggan. Nagpatuloy parin ako sa paghagulhol.
"Pakiusap, tumahan ka na" Hinagod niya ang likod ko, ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng maiinit niyang palad sa likuran ko. I felt something weird but I like it, my bodie's like it. Pakiramdam ko, ligtas ako sa tabi niya.
Hindi ko namamalayan na kumalma na pala ako sa ginawa niya. Nang mahimasmasan, doon ko palang naisip na kumalas ng yakap sa kanya at marahang tinitigan ang mga mata nya.
"Who are you? Bakit mo ako niligtas?" Tanong ko, ngunit yumuko lang siya at iniiwas ang tingin sa'kin.
"Look at me" hinawakan ko siya sa mukha at dahan dahang pinaharap sakin para muling magtagpo ang paningin namin "Anong pangalan mo? Bakit mo ako tinulungan?"
Pero tulad kanina hindi na naman siya sumagot, nakatitig lang ang mapupungay n'yang mata sa'kin dahilan para makita ko ang magkahalong lungkot at galit na nararamdaman nya. Ilang minuto kaming nagtitigan at pakiramdam ko parang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang malulunod ang puso ko sa paraan niya tumitig. Hanggang sa hindi ko namamalayang unti unting kumikilos ang kamay ko para alisin ang mask nya sa bibig.
"Wag" pigil niya sa'kin
"Gusto kong makilala ang Hero ko" Unti unti kong inaalis ang mask. Hinayaan niya akong ipagpatuloy ang pagtanggal ngunit nang magawa ko na, nagulat ako ng bigla niyang hapitin ang bewang ko palapit sa kanya at angkinin ang labi ko.
Gusto ko siyang itulak at sampalin dahil sa kalapastangan ginawa niya pero may bahagi ng puso ko ang nagustuhan iyon kaya naman imbis na itulak, tinugon ko ang halik nya.
BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Teen FictionEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...