Kabanata 6

608 24 3
                                        


"Talaga ho mayora? Pag aaralin niyo po ako?'' Kulang nalang ay lumundag lundag ako sa tuwa dahil sa sinabi ni Mayora. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, pag aaralin niya ako at sagot pa niya ang lahat ng gagastusin ko sa pag aaral pati na ang allowance at gamit ko.

''Thanks po talaga mayora'' taos puso kong pasasalamat sa ginang. Hindi parin mawala wala ang malaking ngiti ko sa labi.

Isang lingo na mula ng mapadpad ako dito sa San Jacinto. At Isang lingo na rin akong naninilbihan dito sa bahay ni Mayora. Tulad nga ng sinabi ni Aling mameng maswerte ako at dito ako napadpad dahil napakabait ng mag asawang Robles. Mababait din ang mga kasama kong katulong pati na ang mga hardinero at driver ng mansion. Pero may isang tao akong hindi makasundo sundo dito, iyon ay si Hero.

''Ang tagal naman'' Reklamo ni Hero ng puntahan ko siya sa labas ng gate ng mga Robles.

''So what? Mabagal talaga mag ayos ang mga babae, ang tagal mo ng nabubuhay sa mundo hindi mo parin alam yun?''

"Tsk!"

Mamimili kami ngayon ng gamit ko sa isang mall. Kung ako ang masusunod, hindi itong asungot na 'to ang isasama ko. Ayokong magsama ng masungit, kaya lang siya ang inirekomenda ni mayora kaya wala akong nagawa.

Napangiti ako ng maalala ang sinabi ni Mayora na 'Boy' siya ng mansion na 'to.

Boy ka lang pala ha.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Iritableng tanong niya "Sumakay ka na nga ng makaalis na tayo"

''Diyan tayo sasakay?'' Tukoy ko sa motor niya. "Magtataxi nalang ako'' Hindi ko na hinintay ang sagot niya, tinalikuran ko siya.

''Sumakay ka na!''

''Ayoko! Mamaya ipaharurut mo pa 'yan, malaglag pa ako! May phobia na ko sa'yo no! Ang arte mo pa naman ayaw pahawak''

''Bahala ka'' narinig kong tumunog ang makina ng motor niya ''Magkita nalang tayo sa Mall''Nilingon ko siya ''Himala hindi ka yata nakikipagtalo''

''Ts! Sawa na akong makipagtalo sa'yo, sumakay ka na nga sa taxi mo!'' Aniya bago pinaharurot ang motosiklo. Ako naman ay tumawid at pumara ng Taxi. Kalahating oras pa lang ang nakakalipas ng sabihin ng driver na nasa mall na kami. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng pinigil ako nito.

''150 lang miss'' Sabi ni manong driver sabay tingin sa metro. Napatingin din ako rito at parang gusto kong mawala. Ngayon ko lang naalala, taxi pala ang sinasakyan ko. Nasanay ako sa kotse namin, yung hindi mo na kailangan magbayad kapag pinagdi-drive ka ng driver mo.Patay! Wala pala ako dalang pera!

''Wait lang manong ha'' Ngumuso ako at tumingin tingin sa paligid. Umaasa na mahahagip ng mga mata ko ang asungot na iyon.

Ang lalaking 'yon, hindi man lang ako binigyan ng pera! Pag aalburuto ng isip ko.

''Miss ano na? Iikot pa ako ng isa, pakibilisan naman''

''Manong ano kasi....'' Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Kung pwede lang magpakain sa inuupuan ko, kanina ko pa ginawa. Jusko po, ano ba 'tong kahihiyan na pinasok ko. ''Manong wala po pala akong pera''

''Ano? Sira ulo ka ba? Sasakay sakay ka wala ka palang pera. Hindi pwede 'yan miss! Hindi mo ba alam na mahirap kumita ng pera ngayon? Aba! Malaking bagay na ang 150 pesos! 3 litro ng gasolina na din 'yon!''

"Sorry po talaga manong, pero may kasama po ako sa loob. Pupuntahan ko muna, babalikan kita'' muli ko sanang bubuksan ang pinto ngunit pinigilan niya na naman ako.

"Hep hep! Tatakasan mo ako! Bayaran mo muna ako at palalabasin kita''

''Wala po talaga akong dala kaya nga pupuntahan ko--''

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon