Kabanata 10

534 18 4
                                        

''His real name is Hermiño Sebastian. His father's name is -''

''Hermiño? Hahaha!'' Hindi na natapos ni Demi ang pagbabasa dahil bumalalas ako ng tawa. Makailang beses ko pa nahampas ang lamesa dahil sa pagtawa ko. Nakakunot noo lang nila akong pinagmamasdan.

''Hala, sige tawa! Sige pa push mo 'yan ateng'' Naiiritang sabi ni Demi. ''Ge tuloy mo lang, gusto mong sabayan ka pa namin?''

Mas lalo ko pang nilakasan ang tawa hanggang sa maubo ako.

''Ang bilis ng karma no?'' Sabi naman ni Jane ''Gusto mo tubig?''

Iniwave ko lang ang kanang kamay ko to sign na 'Wag na' habang ang kaliwa naman ay hawak ang tiyan ko na namimilipit sa sakit dahil sa kakatawa. "Ano ulit, Hermiño?"

Pinunas ko ang luha ko sa gilid ng mata ko na bahagyang lumabas dahil sa kakatawa.

''Ano, itutuloy ko pa ba ang pagbabasa?'' Napatingin ako sa mukha ni Demi na halatang inis na inis na sa inasal ko. Ganon din si Jane na nagpipigil na yata buhusan ako ng Juice na hawak. Hindi siguro nila gustong pinagtatawanan ko ang Ultimate Crush nila.

''Sige tuloy niyo na'' Natatawa paring sabi ko, nandito kami sa isang restaurant. Tinawagan ko sila kagabi at sinabi na gusto kong malaman ang pagkatao ni Hero. Syempre hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa nalaman kong galit si Hero sa mga babae, sinabi ko lang na nacucurious ako sa pagkatao ni Hero. Buti naman at nasa mood ang dalawa kaya naman pumayag makipagkita sa akin  kahit na dapat ay pahinga namin sa school ngayon.

Inirapan ako ni Demi at nagpatuloy sa pagbabasa doon sa Birth Certificate na hawak niya. Nalaman ko na sa munisipyo nagtratrabaho ang ama ni Demi kaya nakiusap ako na kung pwede ikuha niya ako ng birth certificate ni Hero. Mabilis ko naman napapayag si bakla, at parang suportado pa nga niya ako dahil hindi lang ang BC ni Hero ang kinuha niya, pati na rin sa mga magulang at kapatid nito.

''His father's name is Herman and His mother's is Nathalia --''

''Nathalia? Hindi ba dapat Hermana 'yan" Sabi ko na muling tumawa.

''Pigilan mo nga ko bakla masasapak ko na 'tong baliw na 'to'' Sabi ni Demi kay Jane

Umirap si Jane ''Sapakin mo na! papigil ka pa''

''Ako na nga magbabasa" inagaw ko kay Demi ang BC ni Hero at muling binasa iyon. ''Hmn.. Hermiño nga name niya, sa dami ng pwedeng ipangalan sa kanya bakit Hermiño pa? Grabe hindi ako makaget over''

"Subukan mo ulit tumawa, makakatikim ka na sa'kin ng tadyak" Pagbabanta ni Demi. Pinigil ko ang tawang gustong kumawala sa bibig ko.

"Bakit ba gusto mong malaman ang pagkatao ni Hero?'' seryosong tanong ni Jane.

''Syempre para malaman ko ang pagtao ng idolo ni Demi" sagot ko. Inilipat ko ang tingin sa birthdate niya. Nagkalkula ako sa isip ng makita ang taon ng kapakanakan niya. "24 na pala siya ngayon? Dapat graduate na siya at nagtratrabaho, bakit nagaaral pa rin siya?"

"Nagstop siya sa pag aaral ng mamatay ang nanay niya"

"Patay na nanay niya?'' Gulat na tanong ko.

''Hindi mo alam 'yon? magkasama kayo sa iisang mansyon hindi mo alam?''

Umiling ako. Hindi naman kasi ako Chismosa kaya never akong nagtanong about sa parents ni Hero kahit na takang taka na talaga ako kung bakit hindi ko nakikita ang mga ito. And another thing inis na inis ako sa lalaking iyon bakit ko naman aalamin pa 'diba? "Kailan pa?''

''5 years ago, cancer ang ikinamatay"

Hindi ako nakasagot agad. I feel bad for Hero. Ang bata bata pa pala niya ng mawalan ng ina. "How about his father?''

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon