Kabanata 2

861 29 5
                                    


"Malayo ba talaga ang bulan? Aba! Ilang oras ng umaandar 'tong bus, hindi pa rin kami nakakarating" sabi ko habang sumusulyap sa wrist watch ko. Mag aalas tres palang ng madaling araw at kinakain parin ng dilim ng mga punong kahoy na nakikita ko sa labas ng bintana. Ang akala ko ay nagbibiro lang ang babae ng sabihin niya kahapon na bukas pa kami ng umaga makakarating sa bulan. Nakailang palit na ako ng pwesto dahil nangangawit na ang pwet ko sa matagal na pag upo. Ganito pala talaga kalayo ang bicol. Ilang oras ang gugulin bago makakarating sa paroroonan. Siguro kung eroplano ito, kahapon pa ako nakarating.

Sana talaga nagairplane nalang ako.

"O 'yung mga naiihi at gustong kumain diyan, maghanda kayo. Mag iistop over muna tayo" Sigaw ng kondoktor. Ilang sandali pa, nakikita na ako ng mga karinderya sa labas.

Umirap ako, nakailang stop over na kami. Bakit hindi nalang sila magtayo ng CR dito sa loob ng bus para hindi na akyat baba ang mga pasahero? Para hindi na rin huminto hinto. Nasasayang ang oras!

Tumingala ako ng tumayo ang katabi ko, mukhang magCCR din ata. Buti naman, makakapagsolo ako ng ilang minuto. Sa ilang oras na magkatabi kami ay hindi kami naguusap, wala rin naman kaming dapat pag uusapan. Feeling ko nga ang sikip sikip ng mundo ko kapag nandito siya. Kung may bakanteng upuan lang sana na pwedeng lipatan, kaninang umaga ko pa ginawa.

Ini-on ko ang cellphone ko habang inaantay matapos ang oras. Bumungad sa akin ang family picture namin na siyang wallpaper ko. Ilang minuto ko iyong tinitigan bago pinindot ang camera at nagselfie. Rumehistro sa screen ang kuha ko. Iyon ang ginawa kong wallpaper.

Ngayon aalis ako at magpakalayo layo, kailangan ko munang kalimutan ang buhay na meron ako. Oo mahirap, lalo na tuwing sumasagi sa isip ko na labis silang magalala sa akin pero anong magagawa ko? Ito lang ang naisip kong paraan para solusyunan ang problema ko. Maiintindihan din nila ako. Sana.

Kinse minutos ang lumipas, napansin ko na ang sunod sunod na pag akyat ng mga pasahero. Tumuwid ako ng pagkakaupo, maya maya lamang ay babalik na ang lalaking katabi ko.

Pero biglang may naramdaman akong pagkulo sa tiyan ko. Pinilit kong balewalain iyon pero lalo yatang nagpapapansin.

"Shit" Napamura ako ng may kumawalang hangin sa pangupo ko. Sinubukan kong baguhin ang pwesto ko para maipit ang bagay na gustong lumabas.

Natatae pa ata ako.

Tumingin ako sa orasan ko, limang minuto nalang at aalis na ang bus. Kung bababa pa ako baka maiwanan ako ng bus. Kaya ko pa naman yatang pigilan.

"Huh!" Bumuga ako ng hininga at pinakalma ang sarili ko, pero parang may lakad yata itong nasa loob ng tiyan ko at nagmamadaling lumabas. "Hindi ko na kaya!"

Mabilis akong tumayo at tinakbo ang pintuan ng bus. Sakto namang paakyat palang si manyak kaya hinila ko siya ulit palabas.

"Hoy!" nagulat siya sa paghila ko "Bitawan mo nga ako!"

"Kuya samahan mo muna ako! Please?"

"Ano? Bakit sino ka ba? Hindi naman tayo magkakilala para samahan kita"

"Kuya naman sandali lang, hindi ko kasi alam kung saan papunta sa...Shit kuya palabas na! Samahan mo na ako!"

Binawi niya ang kamay niya "Wala ka ring kahihiyan ano? Sa akin ka pa talaga magpapasama? Kababae mong tao, kung natatae ka pumunta ka doon! Ayun ang CR!" May itinuro siya, tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik ng bus pero hinarang ko siya. Limang minuto nalang ang natitira tiyak maiiwanan na ako ng bus. Kaya naman hindi ako makakapayag na makabalik itong lalaking 'to. Kailangan may kasama ako kapag naiwan ako. Kailangan may karamay ako.

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon