Kabanata 11

505 16 4
                                    

"Talaga pumayag na siya?'' Halos lumundag lundag si Demi sa kinatatayuan ng sabihin ko sa kanila ang pagpayag ni Hero na makipagdate. Oo pumayag na si Hero sa kasunduan namin, tutulungan ko siyang manligaw kay Eirene kung lalabas kami ng isang araw. 'Yun nga lang, ang alam ni Hero ako ang kadate niya at hindi ang baklang 'to, alam ko naman kasi na hindi iyon papayag once na sabihin ko ang totoo, bahala na sa araw ng date. Mag eexplain nalang ako.

Tumango tango ako, lalong lumawak pagkakangiti niya.

''Omg! Makakadate ko si Papa H! Jane makakadate ko ang ultimate crush sa school! Ang saya saya ko!''

"Kung alam ko lang na mapapayag mo si Hero, sana pinagawa ko na rin kay Ethan" nakapangalumbaba si Jane.

"Pwede ba Jane wag ka ng sumali. Hirap na hirap na nga ako sa lalaking 'yon. Kay Ethan pa kaya na hindi ko close"

"Paano mo napapayag si Hero, Ella?" Tanong ni Demi.

Napangiti ako ng maalala ang nagpagusapan namin.

''Mahal mo ba siya?" Para ko na rin tinorture ang puso ko sa tanong ko. Ayoko sana siyang tulungan dahil tiyak na masasaktan ako pero ayoko naman na paasahin ang puso ko. Ilang buwan palang naman kami nagkakakilala, hindi pa naman siguro gano'n kalalim ang nararamdaman ko. Kakayanin ko naman siguro ang sakit.

Sana.

''Hindi pa ba sapat ang sinabi ko na gusto ko siya?"

"Sige tutulungan kita in 3 conditions''

Nagsalubong ang kilay niya "Teka may condition pa? Pumayag na nga akong makipagdate sa'yo ng isang araw, may condition parin?"

''Isang araw lang, samantalang ang panliligaw matagal baka abutin pa tayo ng taon. Napakaunfair no'n!"

"Taon? Wala ka bang bilib sa akin?"

"Ako bibilib sa'yo? E nagpapatulong ka nga sa akin magpaligaw"

"Ts! Oo na! Ano ba 'yang mga kondisyones mo?"

''First Condition, don't fight with me. Ayoko ng susungitan mo ako, susupladahan at higit sa lahat babastusin. Kapag may tinatanong ako sa'yo sagutin mo ako ng maayos''

"Wow ang haba, don't fight with me pero sinali mo na lahat"

"Gano'n talaga. Saan ba mauuwi kapag sinungitan at binastos mo ako? 'Edi sa away. Magisip ka nga!"

"Yung pangalawa"

''Second, don't call me in mean names like babae, panget and manang"

''Okay. Madali lang pala"

''Third, don't kiss me"

Ngumisi siya at tinitigan ako na para bang nangaakit. Tiningnan niya ang labi ko at bumulong. "Bakit ayaw mo ba ng halik ko miss?"

Napalunok ako at iniwaksi ang tingin sa malayo. Darn! Stop seducing me Hero, baka mabaliw ako sa'yo.

"Basta, ayoko!" Sagot ko "Pero...pwede rin.. basta magpaalam ka muna, anong malay mo tugunin ko"

Tumawa siya ng malakas "Asa kang hahalikan kita uli"

Sumimangot ako.

"'Yung lang ba? Ang dali lang naman pala ng kondisyon mo"

"Meron pa. Isang wish naman, pero saka na 'yun kapag napasagot mo na si Eirene"

"Ano? May gano'on pa?"

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon