Pasado alas dose na ng tanghali kaya nasa cafeteria na ako ng school namin. Nagpaalam si Demi at Jane na dadaan muna sa library para manghiram ng libro kaya ako na ang nagorder ng pagkain nila. Pero 20 minutes na akong naghihintay, hindi pa rin sila bumabalik. Kinuha ko ang cellphone ko para sana itext sila ngunit agad ko rin ibinaba ng makitang papalapit na sila.
Ang saya nila, ano kayang nangyari?
"San ba kayo galing? Antagal niyo!" Hindi pa sila nakakaupo ng singhalan ko sila.
"Pa'no 'tong si Jane nakakita ng pogi" sagot ni Demi na umikot pa ang mata sa ere. Inilapag niya ang dalang libro sa mesa at naupo sa harapan ko "Ito na ba ang foods namin?"
"Oo nakakahiya naman sa inyo" umirap ako.
"Wag ka sa akin magalit, magalit ka sa isa diyan. Nakakita lang ng pogi akala mo tumama na sa lotto"
"Wow nagsalita ah, samantalang ganitong ganito ka din sa t'wing makikita mo si Hero" Si Jane na naupo sa tabi ko.
"Oo na, oo na!"
"Hindi parin talaga ako makagetover. Ang pogi pogi talaga niya. Ang laki ng pinagbago niya, dati patpatin lang siya tingnan mo ngayon ang yummy na!" Dagdag pa ni Jane na akala mo bulateng nabudburan ng asin. "Kinikilig ako!"
"Tsk! Mas gwapo pa do'n si Hero 'no"
"Teka, sino ba 'yang pinaguusapan niyo?" Singit ko. Nagsimula akong kumain.
"Si Ethan Santillan ng 4th year Engineering"
"Ethan?" Kununot ang noo ko kay Jane "'Yung bestfriend ni Hero?"
Tumango tango siya. "Kapag nakita mo 'yun Ella, I am sure kikiligin ka din. Hay Iba talaga ang nagagawa kapag nababasted 'no? Mas lalong gumagwapo"
"Correct ka diyan, I'm pretty sure magsisisi si Eirene kapag nakita niya ngayon si Ethan. Sasabihin ni Ethan, tingnan mo ang binasted mo noon, yummy na ngayon!" Inaksyon pa ni Demi ang sinabi "Naku, parang gusto kong makita ang tagpong 'yon"
"Oa mo naman bakla"
"Bakit, ano bang nagyari?" Pag uusisa ko, kahapon ko pa pinagtataka ang bagay na 'yan. Kahapon kasi, sa akin nagpasama si Eirene na ihatid siya sa garahe imbis na kay Hero. Siguro dahil dumating si Ethan at ayaw na niyang makaistorbo ang dalawa, pero bakit hindi sila nagpansinan nito? E halata naman na kilala nila ang isat isa?
"Hindi mo alam? Ay sabagay bago ka lang pala 'no." Uminom si Demi. Pagkatapos, luminga linga na para bang may chinecheck na tao
"Ganito kasi ang nangyari" nilapit niya mukha niya sa tenga ko at bumulong. "Binasted ni Eirene si Ethan sa harapan ng maraming tao. Last year"
"Talaga? Bakit?"
"Dahil mahirap lang daw si Ethan"
"Sinabi niya talaga 'yun?" Hindi ako makapaniwala. Kayang sabihin ni Eirene kay Ethan ang ganon? Pero ang bait ni Eirene.
"Akala mo sinong santa 'no? Kunwari pa mabait. Matapobre naman, kapal ng mukha" sabi ni Jane na halata ang inis sa dalaga.
"Kung nandito ka lang, mamamangha ka sa effort na ginawa ni Ethan noon, marami siyang kinunshaba na dancer para sayawan si Eirene sa stage. Pati mga kaklase niya kinausap niya para maghawak ng lettering na may nakasulat ng will you be my girlfriend. Basta ang dami niya pang pakulo, pakulo na kilig na kilig talaga kami. Pero wala yata effect kay Eirene dahil imbis na sagutin, pinahiya niya pa ito"
"At alam mo ang mas nakakagulat sa nangyari? Sinabihan pa niya si Ethan na kung mayaman lang ito, hindi siya magdadalawang isip na sagutin ang binata, diba ang kapal ng mukha? Hindi porket anak siya ng vice mayor ng San Jacinto may karapatan na siyang manghamak Hay naku, nanggigil ako"

BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Teen FictionEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...