"Ano pa kaya ang pwede kong gawin?"Naibulong ko sa sarili matapos pagmasdan ang sala na kakatapos ko lang linisin. Maganda ang mood ko kaya naglinis ako ng bahay ng masungit na 'yon. Pasasalamat ko na rin dahil pinatuloy niya ako sa dito kagabi. Anong malay ko baka sakaling matuwa pa siya sa akin at hindi na ako paalisin, hindi ko na proproblemahin kung saan ako tutuloy.
Naku, magpapapizza talaga ako kapag nangyari 'yon.
"Ano kayang oras uuwi ang lalaking iyon?" Napatingin ako sa orasan at nakitang mag aalas singko na ng hapon. Kanina ng gumising ako ay hindi ko na siya nadatnan, maaga siguro ang pasok. Pero may iniwan siyang almusal, betadine at bulak sa mesa, napansin niya sigurong kagabi pa dumudugo ang sugat ko sa noo. May puso din pala ang manyak na 'yon.
"Magluluto nalang ako" Nagpunta ako sa kusina, medyo naalien pa nga ako dahil ibang iba ang kitchen niya sa kitchen namin. Yung kusina niya kasi pang province talaga ang style lalo na ang lutuan niya na instead na gas stove ay kahoy ang gamit sa pagluluto.
Lumibot ang tingin ko. May hinahanap ang mga mata ko kahit hindi ko naman alam kung ano, hanggang sa mapako ang mata ko sa isang cabinet, nilapitan ko iyon at binuksan.
''Naks kumpleto'' Ngiti ngiti ko pang sabi ng tumambad sa harapan ko ang sandamakmak na groceries. Kinuha ko ang 2 can ng 150g na meatloaf. 'Yun na lang ang lulutuin ko, 'yun lang naman ang alam kong pinakamadaling lutuin. Pagkatapos ay binuksan ko na iyon at ini- slice. Inihanda ko na rin ang gagamitin sa pagluluto. Nang matapos ay humarap na ako sa lutuan
''Hala paano pala ito? '' tanong ko habang tinitingnan ang tatlong malaking bato na nakapalibot sa isat isa. Di kalayuan ay makikita naman ang mga sibak na kahoy. Sandali akong hindi kumilos at nag iisip, maya maya pa ay isa isa ko ng kinuha ang mga nasibak na kahoy at pinagdikit ang dulo nito sa gitna ng nakapalibot na kahoy.
''Alam ko ganito iyon, ganito ang ginawa namin nung magcamping kami.'' Sabi ko sa sarili ko. Matapos pagdikit dikit ang kahoy, kinuha ko naman ang match na nahagip ng mata ko kanina tapos sinindihan ko ang kahoy pero malas hindi umapoy.
''Anyare? Ayaw? May kulang kaya?'' Inilibot ko ulit mata ko hanggang sa may makita akong bote na may laman, kinuha ko ito at inamoy. Swerte gas.
''Sana effective'' binuhusan ko ng kaunti ang kahoy at nagsindi. Umapoy ito ngunit maya maya lang ay muli rin namatay "Hala? Ayaw pa din?"
Inulit ko ulit ang ginawa ko ngunit tulad kanina umaapoy ito saglit at namatay.
''Ang arte mo ha!'' Nabadtrip ako kaya binuhos ko ang isang bote ng gas, tapos sinindihan.
''Oh My God!'' Bigla akong napatayo at napalayo sa lutuan ng bumulaga sa'kin ang napakalaking apoy.
''Anong gagawin ko?'' Natataranta ako ''Hihingi ako ng tulong!'' palabas na sana ako ng bahay ng sakto naman ang pagdating ni kuya.
''Hoy babae! Anong ginawa mo sa bahay ko?'' Nakasalubong agad ang kilay niya ng makita ako.
''Kuya yung ano mo--''
''Bakit ka nakikialam ng gamit ko dito sa sala ha?''
''Mamaya na 'yan kuya! 'yung kusina mo---''
''Sino nagsabi sa'yo na hawakan at galawin mo ang mga gamit ko? Hindi mo ba alam na ang pinakaayoko sa lahat ay pinakikialamanan ang gamit ko. At saka bakit nandito ka pa? Hindi ba sinabi--''
''Teka nga'' Ako naman pumutol sa sinasabi niya. Sumusobra na siya! Naglinis na nga ako siya pa itong nagagalit? ''Bakit ka ba nagagalit ng ganyan? Pasalamat ka nga at nilinis ko pa bahay mo!''

BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Teen FictionEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...