Kabanata 14

604 13 4
                                        


"May communication ba kayo ni Hero?" One week ng hindi umuuwi si Hero kaya inabangan ko si Ethan sa parking lot ng motor niya. Sigurado akong may alam siya kung bakit hanggang ngayon hindi pa umuuwi ang kaibigan niya.

"Oo. May inasikaso lang daw siya sa manila kaya natagalan siya"

"Kailan daw siya babalik?"

"Hindi ko alam. Pero ang sabi niya baka matagalan siya dahil marami pa siyang ginagawa"

Dismayado man, nagawa ko parin tumango tango. "My number ka ba niya? Pwede bang makahingi? Gustong gusto ko na kasi siyang makausap"

"Oo meron" kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at mabilis na tinype ang pangalan ni Hero sa contact. Ilang segundo lang, hawak ko na ang cellphone niya habang kinukopya ang numero ng binata.

"Miss mo na ba?" Nakangisi na tanong niya ng ibalik ko ang cellphone.

"May itatanong lang ako" pagdadahilan ko, sana lang hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako. "Salamat"

"Hintayin mo nalang siya. Babalik naman 'yun" Sabi niya saka sumakay sa motor niya. "Mauna na ako"

"Sige ingat ka"

Napabungtong hininga ako ng mawala si Ethan sa paningin ko. Hindi ko man nalaman kung kailan uuwi si Hero, nakuha ko naman ang number niya. Kahit papano nabawasan ang pagaalala ko.



"Manang, Si T'yang Sandra po?" Tanong ko kay Aling Mameng pagkauwi ko ng mansyon. Siya ang unang nakasalubong ko kaya siya ang napagtanungan ko.

"Kausap ni Mayora sa opisina niya. Bakit?"

"Wala ho, may itatanong lang sana ako" sagot ko. Ang totoo niyan wala naman talaga akong itatanong, gusto ko lang makasigurado na masosolo ko ang kwarter ngayon dahil balak kong tawagan si Hero. Ayokong makita niya ang reaksyon ko kapag kausap ko ang pamangkin niya. Hindi naman sa ayaw kong matukso ako, hindi ko lang kasi alam ang magiging reaksyon ko kapag kausap ko na si Hero.

"Salamat po" hindi ko na hinintay ang sagot ni Aling murin. Nagtungo na agad ako sa kwarter, umupo ako sa deck ko at mabilis na nilabas ang cellphone ko.

Tinitigan ko ang contact number ni Hero. Nagdadalawang isip ako na tawagan siya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Kaya ko 'to" bumuga ako ng malalim na hininga bago pinindot ang call. Itinapat ko ang cellphone sa tenga ng makitang nagriring na iyon. Kagat kagat ko ang labi ko habang hinihintay niyang sagutin ang tawag ko.

"Hello?" Halos lumundag ang puso ko ng marinig ang namamaos niyang boses. Nagwawala na naman iyon na parang gustong kumawala. "Sino 'to?"

"Ahm.." Nakagat ko ang dulo ng daliri ko. Ito ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako tawagan siya. Ang lakas ng kaba ko! "Ako 'to, si Ella"

"Ella" tila natigilan din siya. Hindi niya siguro inaasahan na tatawagan ko siya.

"Kamusta ka na?" Pangangamusta ko. Rinig na rinig ko  parin ang malakas na tibok ng puso ko "Kailan ka babalik?" Miss nakita. Gusto kong idugtong pero umurong ang labi ko.

Hindi siya sumagot. Narinig ko ang mga buntong hininga niya.

"Isang linggo ka na kasing hindi nagpaparamdan sa akin kaya kinuha ko ang number mo kay Ethan" Huminto ako sa pagsasalita, hinintay ko siyang magsalita pero hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Ang sabi niya, marami ka daw ginagawa, hindi na sana kita tatawagan kaya lang kasi.." hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumulo na ang luha ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Bakit mo ba kasi ako pinaparusahan ng ganito Hero. Miss na miss na kita. Gustong gusto ko ng marinig ang boses mo at maamoy ang pabango mo. "Umuwi ka na"

My Annoying HeroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon